PURE 4

6.1K 192 3
                                    

*Cleio's POV*







Naglalakad ako ngayon, deretso lang sa hallway, payapa't tahimik. Pupunta na ako ng canteen. Sa pag lalakad,hindi ko namalayan na may tubig sa lalakaran ko. Nadulas tuloy ako. Aawwts! Sakit non ah? Pinagtawanan naman ako ng mga estudyanteng nakakita. I just ignored them. Nag patuloy ako sa pag lalakad.









May nakasalubong naman akong lalakeng tumatakbo. Papunta ito sa direksyon ko.
Bigla itong yumuko sa harap ko dahil nahulog ang dala dala niyang pera, dahilan para madapa nanaman ako, nangpa-prank ba mga tao dito? Napanood ko na yung ganong galawan eh.







"Sorry hindi ko sinasadya" paumanhin nito. I just smiled. Muli na  siyang tumakbo palayo, lah hindi manlang ako tinulungan. Salbaheng tao eh, hindi gentleman, hay nako, hindi ka makakakuha ng chicks kapag ganyan ugali mo men.







Nagpatuloy padin ako sa pag lalakad, this time tinry kong maging alisto. What's happening.? Tumigil muna ako ng ilang Segundo at nanatiling nakatayo at pinikit ang mga mata, Cleio you're just unlucky today, don't blame the transferees, it's your fault, I think? Nagpatuloy na muli ako sa pag lalakad dahan dahan, iba na ang sigurado. Muli kong kinausap ang sarili, pinikit ang mga mata, Sana sa pagpasok ko sa canteen ay walang masamang mangyari.






Nakapikit parin ako, at walang takot na Hinakbang na ang kanang paa. Kung minamalas ka nga naman. I'm. Dead huhuhu.







"Ouch!"





"Aray"








Sabay naming wika. Nagkabungguan kami. Hala! Si claud nanaman? Kung minamalas nga naman oh.
Hindi ako nag sorry dere- deretso ako sa pagpasok sa canteen.
Pero sa hindi inaasahan nadulas pa ako. Hay naman! What's happening!







Pinagtawanan ako. Gaya ng ginawa ko nung una, I ignored them. Bakit ba sunod-sunod ang kamalasan ko? So many weird things men. Ngayon lang talaga nangyare ito saaken. Mula noong pumasok silang 5 dito. Hindi naman ganto ang first day ko noon at the whole year na pag aaral ko. Never talaga. Kaya nakakapagtaka. Malas Ata silang 5 saken ah, dapat silang ipataksil!








*Claud's POV*






Nasa unahan namin si Cleio, napaka tanga hindi natingin sa dinadaanan niya, napapala nadapa tuloy. Akala ko hindi na ito mangyayare pa pero muli siyang nadapa. Kanina pa nagkakaganyan si Cleio. Tumigil siya sa tapat ng pinto ng canteen, Binilisan ko yung paglalakad ko at ganon din sila pero saktong pagmulat niya at paghakbang nagkabanggan pa kame. Is this because of sapphire?






"Sapphire stop" saway ko sa kanya, nagtitigan pa kami ng ilang Segundo bago pa niya ako sundin.




"Why?" Tanong ko. Lumingon siya saakin at nag Salita. "Hindi lang tama ang pag trato niya sayo. I just want to protect you" sabi nito.






"Protect me? Sapphire I can protect myself" sabi ko at naglakad paalis. They followed me. I'm their leader, at kailangan nila akong sundin sa misyong ito, may pinagsamahan man o wala, kailangang sundin lahat ng utos ko. Past is past and I don't want to think about that again.







*Cleio's POV*






*Bell Ring*




Bilis naman. Hindi ko pa nauubos pagkain ko. Bumili nalang ako ng 2 biscuit na kasya lang sa bulsa ko para maitakas, bawal ang pagkain sa loob ng room kakasabi lang kanina ng prof namin, hehehe matigas ulo ko. Sometimes you have to break some rules! Rock and roll guys! Hahaha.






Nagpalingon-lingon at sa paligid. Wala ng bad luck, buti naman, sakit na ng tuhod ko, knee level lang pamandin yung palda namen kaya tagos tagusan, naku Sana hindi magkapasa. Bangputi ko pa naman. Kitang kita. Lagi pa mandin iyon tinitignan ng mga boys naku naku.






Para akong tangang patingin tingin sa paligid at nagiging alerto. Siraulo at weird na ang tingin saken ng mga tao. It's for my safety noh! Dapat lang na mag ingat, nakakapagod ang araw na ito!

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon