chapter 5.1 : mission #2
(hindi ka talaga susunod? gusto mo talagang masaktan,ha! tssss!)
[POV : Kira Lilia Chisato ]
" Yayaaaaaaa?!" sabi ko habang yakap-yakap si Yaya Lena.
" Kira, kelangan ko talagang umuwi muna sa probinsya. kelngan kasi ako nina nanay at tatay dun ii." sabi nya sakin habang hinahaplos ang buhok ko.
" P-pero yaya?! Pano na ko?! Sinong mag-aasikaso sakin? Sinong maghahanda ng pagkaen ko? Sinong mag-aalaga sakin?"
" Si Liam na ang bahala sa pagkaen mo." humarap sya kay Liam, " di ba, anak?"
" Tama si Nanay, Kira!" inakbayan nya ko. " Para san pa ang pagiging chef ko, db?"
" Sus! Hindi ka pa chef nuh! Wag kang feeling."
" Kira, tiwala lang." sabay taas-taas ng kilay.
Inalis ko ang pagkakaakbay nya. " Yaya! Ayokong umalis ka." Niyakap ko si Yaya Lena. " Please?" sabi ko kasama ang SUPER effort ko para magmukhang kaawa-awa.
Niyakap din ako ni Yaya. " kira, dont worry. Saglit lang naman ako dun ii. Babalik din ako after two days."
" 2 days? Promise?"
" Promise." tinaas nya ang kanang kamay nya.
" Ganun?? hmmm. Sige na nga. Wala naman yata akong magagawa ii." Niyakap ko sya ng mahigpit. " Basta babalik ka,ha. Promise mo yan,ha."
" Oo naman. Babalik ko. Promise."
" Ok sige. Mag-iingat k dun aa, Y-yaya." Napaiyak na tuloy ako.
Ngayon lang kasi ulet sya umalis ng ganung katagal ii. Nalulungkot tuloy ako. After kasing mamatay ni Mommy, lumipat na ko dito sa Pilipinas. Hirap na hirap ako nun. Hirap akong mag-adjust sa klima. Sa language. pati sa mga tao. Si yaya Lena ang tumulong saking mag-cope.Lagi nya kong inaalalayan at inaalagaan. Para syang si Mommy. Kaya nga mahal na mahal ko sya ii.
Kinagabihan, umalis na si Yaya. Haaaay~ Sana bumalik na sya~
---
Kinabukasan, pag gising ko, napalingon agad ako sa alarm clock ko na hindi tumunog.
" CRAP! 7 na!" napatalon ako sa kama at tumakbo pababa.
YOU ARE READING
That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]
Teen FictionWe have the 'WRONG LOVE' at the 'RIGHT TIME'. It all starts with a deal as a result of a slight and reckless accident. That fateful day at the rooftop of Alpha Building,the girl that has the sharpest-looking eyes I'd ever seen, used my weakness agai...