chapter 70 : a promise of forever

2.1K 21 5
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Ten-ten-ne-nen! THIS IS IT! Eto na ang ending ng napaka-OA sa tagal kong story. 10 months ko din tong ginawa aa. Kaloka sa bangs! Anyway, eto na sya. Sana mgustuhan nyo. 

Salamat :3

XOXO

sD

                                                                   ~  <3 .. <3 .. <3 ~

chapter 70 : a promise of forever

( the end )

[ Patch ]

 Apat na buwan na kaming makasama ni Kira. Magkasama as in 'in a relationship'. Naks! Parang status lang sa Facebook aa.

Four months of love, happiness and care. Apat na buwan na panay asaran at pikunan. Apat na buwan na puno ng tawanan. Apat na buwan na masayang pagsasama.

Bukas na ang fourth monthsarry namin. Naghanda ako ng surprise para sa kanya. Isang supresa na hindi matutumbasan ng mga nakaraang surprise ko sa kanya.

" Dre. Ok na yung venue." balita sakin ni Sam.

" Salamat dre."

" Sasama daw ang buong barkada, dre. Ok lang ba?" tanong ni Nathan.

" Syempre naman. Gusto ko nandun kayo sa mahalagang oras ng buhay namin ni Kira." 

" Ayos, dre! Galingan mo bukas ha." payo sakin ni Slater.

" Yes,boss. Minsan ko lang gagawin to ii. Kaya pagbubutihin ko na talaga."

" Good. O sya, sibat na muna ako. Susunduin ko pa si Ele'na ii." paalam ni Slater.

" Sige ingat dre. Basta wag kang magsasabi ng kahit ano kay Ele'na na may kinalaman sa plano natin bukas, ha." paalala ko.

" My lips are sealed." sabi ni  Slater bago sya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

                                                                    <3 .. <3 .. <3 .. <3

Kinabukasan. 

7pm na pero papunta palang kami. Habang nasa van na nirentahan ni Sam, excited na excited ang buong barkada. OJT namin kaya late na kaming nakaalis. 5pm pa kasi ang tapos ng shift sa mga kompanyang pinasukan namin. At dahil plano naming mag-stay sa resort over the weekend, ngayon n namin naisipang lumuwas sa Batangas.

Ilang linggo nalang tapos na ang 4th yr namin. Tapos 5th yr na. Tapos graduation. Tapos magkasama naming haharapin ang pagsubok na ibabato samin ng outside world. Sabay kaming maghahanap ng trabaho. Sabay kaming matatanggap sa kompanyang pinapangarap naming pasukan. Sabay naming tutuparin ang pangarap ng bawat isa. 

Nagkakantahan ang buong barkada dito sa loob ng mini bus na inarkila ni Sam. Boring naman daw kasi kung magdadala kami ng kanya-kanyang kotse. Walang bonding moments yun. Pagkatapos mag-concert ni Ele'na, ako naman ang kumanta.

Naglakad na ko palapit sa videoke. Nakahawak ako sa poste para hindi ako mawalan ng balanse. Tumutugtog na ang intro ng kanta.

" Ehem. Ehem. Para to sa pinakamamahal kong anghel. Lily-bear, sana magustuhan mo to. Mahal na mahal kita. Alam mo yan." sabi ko sbay kindat.

" Ang keso mo pare!" sigaw ni Slater tapos binato ako ng popcorn.

" Ayiiiiieh! Ikaw na mahaba ang haiiiiir! Itali mo yan. Baka bigla kong gupitin pag napikon ako sayo ii." tukso naman ni Ele'na.

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now