chapter 58.2 : first love

2.1K 17 24
                                    

chapter 58.2 : first love 

[ Nathan ]

May bagong babaeng kinakabaliwan ang mga kalalakihan dito sa school. Ang classmates naming si Ashley. Isa syang model. Maganda. Matangkad. Mejo makulit pero dahil dun mas lalo syang nagiging cute sa paningin ko. Nung unang beses ko syang nakilala 3 months ago sa opening ng klase, agad akong nagulat sa angkin nyang ganda. Para tuloy timang ang reaksyon ko. Ang cold ko nun ii. Tandang tanda ko pa ang namumula nyang pisngi dahil sa sobrang hiya nung cinorrect ko ang pag-pronounce nya ng section namin. Feeling ko ang sama ko nung oras na yun. Pero ang saya ko kasi magkaklase kami. Kaya nga sinamahan ko na sya dito sa room ii. Mas lalo lang akong maguiguilty pag nalaman kong hindi sya naka-attend sa klase kasi naligaw sya. Hindi yata kakayanin ng konsensya ko yun.

Isang hapon, nabanggit sakin ni Ash na baka mag-commute lang daw sya pauwi kasi sira daw yung kotse nila. Kaya naman,

“ Sumabay ka na sakin. Ihahatid nalang kita sa inyo.” Alok ko sa kanya.

“ Aa ee. A-ano kasi ii.” Nauutal nyang sagot sakin.

Buti nalang mejo nakakasanayan ko na ang paminsanan nyang pagka-utal pag bigla ko syang kinakausap. Kaya siguro naman papaya sya.

“ Hindi kasi pwede Nate ii.” Sabi nya sakin.

BOOM! Para kong nasaksak nun. Ganito pala ang feeling na ma-reject. “ Bakit naman?” tanong ko. Pabiro ko na syang tinanong para hindi masydong halatang gustong gusto kong malaman kung bakit.

“ kasi~”

Bago pa sya makapagsalita, napigil na sya ng tawag mula sa labas ng classroom. “ Ash!”

Agad namang napatayo si Ashley at kinuha ang gamit nya. Lumapit sya kay Patch?! Saglit lang! anong relasyon nila?! Alam ko~ aaaaaish! Wala na kong nagawa para pigiln sila habang pareho silang nagpaalam sakin. Napansin kong nakatingin pala ang lahat samin. Napa-haaay nalang ang mga girls na nandito pa sa room para magkwentuhan. Di ko na gets kung bakit napa-ganun nalang sila. Yung mga lalaki kong classmates naman nagsilapitan sakin.

“ Boss. Di ba si Patch yun?! Akalain mong naunahan ka na pala nya kay Ashley?” sabi nung isa.

“ Langhya boss! Talo talo na to!” sabi naman nung isa.

“ tumahimik nga kayo! Daig nyo pa yung mga classmates nating babae ii. Mas chismoso pa kayo.” Sabi ko. “ kung sila man, ee wala na tayong magagawa nun. Hindi natin pwedeng hadlangan ang kasiyahan ni Ash.”

Lungkot na lungkot ako ng araw na yun. Hanggang sa bahay wala ako mood. Nahirapan din akong makatulog dahil sa kakaisip ng kung ano bang relasyon nila. Ang alam ko wala namang pinopormahan si Patch ngayon. Kung meron man siguradong sasabihin naman nya samin ni Sam yun. Tsss. Eto ang mahirap ii. Wala dito si Sam para tulungan akong malaman kung ano ba talagang relasyon ni Ash at Patch. Nakapikon! Nakakabanggag to!

Kinabukasan, kahit banggag ako dahil sa kakulangan sa tulog, pumasok pa rin ako. Sayang ang isang araw na pwede kong makasama si Ash. Tska desidido na kong tanungin sya kung ano bang relasyon nila ni Patch. Kung sila nga, malungkot at masakit man pero didistansya na ko sa kanya. Ayoko namang magka-problema kami ng tropa ko dahil sa babae. Kaya magpaparaya nalang ako. Pero kung wala namang namamagitan sa kanila, aba! Wala ng makakapigil sakin para ligawan si Ashley.

Maaga akong pumasok. Sana maaga din syang pumasok. Pero tulad ng mga nakaraang araw, ilang minuto nalang ee late na sya. Kaya hindi ko tuloy sya nakausap. O sige. Mamayang recess na lang.

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now