chapter 59.2 : step 1

1.8K 19 8
                                    

rinBee's NOTE:

papeng! eto na sya! ilang linggo na to sa baul ng mga chapters ko. huwahaaha. sana po ma-enjot nyo to kahit maikli lang. ^_________^

ay! yun ang theme song ng eksenang to. haaay~ akin ka nalang Patch~

<3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3


chapter 59.2 : step 1

[ Patch ]

Tumakbo na ko at hinanap si Kira. Anak ng tokwa! Bakit ba naman kasi hindi sinabi sakin ni Nathan kung nasan sya? Me pag linya pa syang ‘kelangan ka nya ngayon.’ Tapos hindi naman pala nya sasabihin sakin kung nasan sya. Takte! Loko talaga tong tropa ko.

Malayo layo na rin ang narating ko hanggang sa makabalik na ko sa pinagdadausan ng party. Hindi ko rin makita dito si Kira. Tinawagan ko ang phone nya pero walang nasagot. Lechugas na babaeng to. Pinag-aalala na naman ako. Lagi nalang syang nawawala. At lagi ko rin syang hinahanap. Tsss. Minsan talaga naiinis na rin ako sa sarili ko ii.

Nilampasan ko ang mga nagsasayawan at nag-pa-party partyng tao. May iba pa ngang humarang sakin para makipagsayaw o magpasa ng isang shot ng napuslit nilang alak pero hindi ko na sila pinansin. Kailangan kong makita si Kira. Kailangan! Dahil kailangan nya ko ngayon.

Nakalabas na ko sa party at nandito na sa garden. May nakita akong isang babaeng naka-upo sa bench. Nakayuko. Sya na yun. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Hindi man lang sya nag-abalang lumingon para alamin kung sino ako.

Tahimik lang akong naka-upo sa tabi nya. Naririnig ko ang nyang marahang paghikbi. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak. Lalo na kung si Kira yun. Kaya hinawakan ko ang balikat nya at iniharap sya sakin. Inalis nya ang kamay nya pinantatakip nya sa mukha nya.

Gusto ko na sanang matawa dahil kayat-kayat na yung mascara nya pero syempre pinigilan ko ang sarili ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at bumulong sa tenga nya, “ Shhhh. Tama na. Magiging ok din ang lahat. Makaka move on ka at malilimutan mo rin sya.”

 

Imbis na tumigil, mas lalo pa tuloy syang umiyak. Hala! Pano na to?!

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at kinuha nag panyo ako. Pinunasan ko ang mga luha at mascara sa mukha nya. Pinigilan nya ko at hinawakan ang kamay ko. “ Tigilan mo nga yan!” sigaw nya sakin. Ano bang gusto mo? Please. Tumahan ka na.

Hinila ko sya palapit sakin.

And I kiss her on her lips.

 Nanlaki ang mata nya dahil sa ginawa ko. Pero hindi ko na pinansin yun at pumikit nalang ako.

Makalipas ang ilang masayang segundo, tinulak nya ko at sinampal. “ That’s for not telling me the truth about Ashley and Nathan.”

 

At sinampal ulet ako, sa kabilang side naman,  “ And that’s for kissing me!”

 

“ Im sorry.” Yun lang ang nasabi ko. Masakit yung sampal ii. Parang lahat ng galit nya sakin nya ibinuhos. Pero maya-maya, nakita ko na naman syang umiyak.

“ P-pero salamat.”

 

“ Ha?”

 

“ S-salamat kasi. N-nandito. K-ka.” Umupo sya ng maayos at tumingala. Siguro paraan nya to para hindi na tumulo ang luha nya.

Umupo na rin ako ng maayos. Hupa na ata ang gera. Pero hindi pa sya nakaka-recover sa sakit. Inabot ko ang ulo nya at sinandal sa balikat ko.

Gusto kong sabihin sa kanya na kahit ilang beses syang umiyak o masaktan, nandito lang ako para tulungan sya pero hindi ko magawang magsalita ngayon. Hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon.

Bakit kasi hindi nalang ako ang mahalin mo Kira? Handa naman akong maging panakip-butas para sayo ii. Handa akong masaktan para sayo. Pero mas handa akong maghintay para sa sagot mo.

Kasi mahal na mahal kita.

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now