chapter 1 : follow me, period!

6.1K 57 24
                                    

chapter 1 : just follow my command, period!

 (ang nakaka-aning na simula)

 [ POV : Patrick Charles Salvatore ]

" Good morning, Patch"

" Hi Patch~!"

"Patch! Magandang umaga!"

Ganito ang eksena dito sa school tuwing umaga. Kahit hindi naman umaga ii. Kahit hapon o tanghali. Nag-iiba lang ng pagbati. Basta mapadaan ako.

Hindi magkamayaw ang mga kababaihan. Lahat sila friendly sakin. Syempre ako naman walang kapagod-pagod sa pag-ngiti. Nakangiti ako  sa lahat pero ng mapatingin ako sa kanya, nawala ang ngiti ko. Pang-asar talaga yung tingin nya ii.

" So sa tingin mo cute ka na nyan?" Parang ganyan yung sinasabi ng tingin nya ii.

Yung tingin nya talagang yun, agh! Kapikon! Parang nilalait ang buong pagkatao mo. Pero hindi ako nagpaapekto at nagtuloy-tuloy na kong maglakad.

Patrick Charles Salvatore. Mas gusto kong tawagin akong Patch. Mas cool ii. Hindi naman ako ganong kayaman. Sakto lang. Anak lang naman ako ng isa sa mga owners ng Jam Music Studio. Kilala ang music company namin all over the world.

Hindi ako mayaman. Mayabang? Siguro. Aminado naman ako ii. Pwede ka namang magyabang, kung may maipagmamayabang ka, di ba?

Ehem! Sabi nga nila, gwapo daw ako. Totoo naman yun. Mabait. Chickboy. Ee hindi ko naman kasi maaatim na masaktan ang mga girls na nag-co-confess sakin. Kaya nga pag may nag-confess sakin, tinatanggap ko.

Chill lang ang buhay ko. Hanggang sa dumating sya.

Kahapon. After Lunch Break. Laboratory Class na para sa subject naming Electronics.

" Oh Patch, bakit parang aligaga ka? May problema ka ba?" tanong sakin ni Nathan. 

Si Nathan ang isa sa mga childhood friends ko. Nakatambay sya ngayon dito sa Lab namin.

Magkakasama na kami nina Nathan, Karly at Sam mula pa nung elementary. Nakatira kasi kami sa iisang subdivision ii. Kaya tuwing weekends, nakakapaglaro kaming apat.

"Ah wala. Dont mind me."

" Ok. sige." sabi nya. Bumalik na lang sya sa paglalaro ng mga LED.

Hindi ko talaga makita. Emp!

Umupo muna ako saglit.

" Patchyyyyyyy~!" niyakap ako ni Karly. Ngumiti sya at bumitaw sa pagkakayakap sakin. Umupo sya sa upuan sa harap ko. " Oh?! Anong problema Patchy?"

" Mukha kang constipated, dre." sabi ni Sam na nakaupo naman sa tabi ni Karly.

'Tong dalawang to, lagi talagang magkasama. Hindi ko alam kung si Sam ba ang buntot ni Karly o si Karly ang buntot ni Sam. Basta simula nung bata pa lang kami, sanggang-dikit na talaga silang dalawa.

" Wala to~" sabi ko sa kanila.

" Haaay nako, Patchyyy~!" tumalikod na sya sakin at nakipag-kwentuhan kay Sam.

Sh*t talaga! Sana walang kumuha o makakuha nun. Kundi, wakas ang buhay ko. 

* Beep Beep *

[ Patch. Nasakin ang bagay na kanina mo pa hinahanap. Hmmm. Infairness, interesting ang mga nakalagay dito aa. Pano kaya kung may ibang makabasa nito? Pano na kaya ang napaka-gandang reputasyon ng isang Patch Salvatore? :P ]

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now