chapter 58.1 : unwritten
[ Patch ]
It’s my 13th birthday. Two years na mula ng umalis kami sa Korea. Base sa mga email sakin ni Ash, naging model na daw sya. Kaya madalas busy sya kaya matagal bago sya maka-reply sa mga email ko.
Hay~ Pangalawang birthday na to na wala si Ash. Namimiss ko na sya.
Habang nag-da-drama ako dito sa kwarto, bumukas ang pinto at tumakbo si Chynna palapit sakin.
“ Kuya! Kuya!” sigaw nya habang natakbo at nag-we-wave ng isang papel.
Paglapit nya sakin, agad syang umupo sa tabi ko at niyakap ako. Niyakap ko rin naman sya. Pero agad din naman syang bumitaw. At pinakita nya sakin ang dala nyang papel.
“ Happy birthday Kuya!”
Kinuha ko ang papel at binuksan to. Excited na napalakpak sa tabi ko si Chynna habang nakanta ng Happy birthday song. Pag tingin ko sa papel, nakita ko ang isang drawing ng dalawang babae, isang matangkad at isang maliit, at dalawa pang lalaki na matangkad. May nakasulat sa baba na, ‘Happy Bertday Kuya! From Mommy Daddy at Chy J’
Napatawa nalang ako kasi may mga typo errors sa sulat nya. Pero kahit ganun, natuwa naman ako sa effort nyang mag-drawing.
“ Ganda nuh? Parang ako.” Sabi ni Chynna.
“ Oo parang ikaw.” Pinatong ko ang kamay ko sa ulo nya at ginulo ang buhok nito. “ Payats!”
Hinawi nya ang kamay ko. “ Aaish!”
Tinawanan ko na lang sya.
Hapon na. Mukhang lilipas ang birthday ko na parang normal na araw lang. Ni hindi pa nga ako binabati ng taong gusto kong batiin ako. Hay. Kesa sa mg-emote ko dito, naisipan ko nalang maglaro sa kwarto ko. Pang tanggal lungkot. Pero bago pa ko makaakyat, may nag-door bell.
“ Manang! Yung gate po. Paki buksan!” sigaw ko. Pero hindi lumapit si Yaya para pagbuksan ng gate ang kung sino mang bisita namin. Kaya ako nalang ang nagkusa.
Pagbukas ko ng pinto, may nkita akong isang malaking box sa labas ng bahay. Iba’t iba ang kulay at glossy. May pink na ribbon sa ibabaw nito. Agad kong naisip nun na ba ka bomba ng laman nito. Alam nyo yung praning?! Ako yun! Kaya tuloy dahn-dahan akong lumapit habang may hawak n walis tingting at nilapat ang tenga sa box. Wala namang ticking sound. Sige. Kumbinsido na kong safe to. Sinubukan kong buhatin yung box para maipasok sa loob ng bahay pero grabe naman ang bigat nito. Kaya nabuhat ko lang to hanggang sa loob ng bakuran. Napaupo nalang ako sa lapag dahil sa pagod.
Maya-maya, may narinig akong kaluskos. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung san yun galing. Napansin kong galing pala to sa loob ng box. Kaya nilapit ko ulet ang tenga ko dito. Laking gulat ko nalang na biglang bumukas ang box at may isang babaeng sumigaw.
“ HAPPY BIRTHDAY PATCH!”
“ Ash?!”
Napatawa lang si Ashley sa gulat na gulat kong expression. “ Huwahahah! Ang epic ng mukha mo! Huwahahahaha!”
Tawa sya ng tawa habang ako ee nakatulala pa rin. Hindi ako makapaniwala na ang natatanging taong hinihintay kong batiin ako ee nandito sa harapan ko. Higit pa to sa hiniling ko.
Tumalon sya palabas sa box at niyakap ako. “ Na-miss kita Patch!”
Napayakap din naman ako sa kanya. Sayang ang pagkakataon ee. “ Na-miss din kita.” Hinawakan ko ang likod ng ulo nya. “ Parang tumangkad ka aa.”
YOU ARE READING
That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]
Teen FictionWe have the 'WRONG LOVE' at the 'RIGHT TIME'. It all starts with a deal as a result of a slight and reckless accident. That fateful day at the rooftop of Alpha Building,the girl that has the sharpest-looking eyes I'd ever seen, used my weakness agai...