chapter 2 : time for a little revenge

4.2K 45 20
                                    

chapter 2 : time for a little revenge

(hindi ka susunod? gusto mong masaktan?!) 

[POV : Kira Lilia Chisato]

" Anong oras next class mo, Kira?" tanong sakin ng kaisa-isang taong kausap ko dito sa school, si William. Liam daw ang itawag ko sa kanya. Mas cool daw kasi ii. 

Trip na trip naming tumambay dito sa rooftop ng Bldg. A. Wala kasing makakakita samin dito ii. Dito kami nag lulunch. Meryenda. Chismisan. Pag vacant time, dito ang takbo namin. Pero pag nasa baba na kami, hindi na kami nagkikibuan.

" 1.30. Nakakatamad ngang pumasok ii."

" Ayan ka na naman ii! Hindi ka papasok tapos anong gagawin mo? Tatambay ka dito?"

" Aha." sagot ko sa kanya habang nanguya ako ng beef.

" Nga pala, eto na nga pala yung notebook oh. Gumawa na ko ng maraming copies nyan. " Inabot nya sakin yung notebook ni Patch.

" Dapat kagabi mo pa to binalik." kinuha ko yung notebook at nilagay sa bag. "Nung nasa bahay tayo. Baka mamaya may makakita nito ii."

Si Liam ang anak ni Yaya Lena. Sa bahay namin din sya nakatira simula nung lumipat ako galing Japan. Magastos daw kasi kung bubukod pa sya ng bahay. Dapat talaga hindi na sya mag-co-college pero hindi ako pumayag. Ininsist ko kay Yaya na magpatuloy sa pag-aaral si Liam at dito na sya sa Saint Vincent Academy of Fashion and Art mag-aral. Nung una ayaw pang pumayag ni Yaya. Mahal daw kasi ang tuition, which is true. Kaya ang naisip kong solusyon ay si Dad na ang sasagot ng 70% ng pag-aaral ni Liam. Kaming tatlo na ang bahala sa natitirang 30%. Since may part-time job naman si Liam sa isang bar,hindi na nya problema ang allowance.

" Bakit kasi hindi na lang ikaw yung gumawa nyan. ECE student ka pa man din."

Hindi ko nga alam kung bakit ECE ang tinetake kong course ngaun ii. Natripan ko lang. Mahaba kasi ang title ii. Wala naman akong pakealam sa future ko. Bahala na kung anong mangyayari sakin.

" ECE student ako. Hindi COE. Tska mas magaling ka pagdating sa computer ii. Dapat nag-IT ka nalang ii. Dapat hindi ka na nag-HRM."

" Hay nako, Kira. Walang pakelamanan ng course na tinetake aa~!"

Kahit yaya ko ang nanay nya, tinuturing ko na rin syang kapatid ko. Kaya nga hindi ako ginagalang ng lokong to ii. Amo mo kaya ako?! 

" Si Patch Salvatore pala ang laruan mo ngayon. Nice!" sabi nya sakin habang nagsasalin sya ng juice sa baso ko.

" I know,right?! Mukhang magiging exciting nga tong taon na to ii. Hahahaha" Evil-laugh. :D

" Baliw ka talaga,Kira. " tiningnan nya yung relo nya. " Time check. 1.20 na. Male-late ka na sa klase mo. Malayo-layo pa ang tatakbuhin mo. Sa Bldg.B pa room mo di ba?"

" Sus! Ako male-late?! Hindi yan. Lagi namang late yung prof namin ngayon ii. " pero tumayo na rin ako. Ayokong makipagtalo sa kanya ii. Iiinsist nya kasi na kumilos na ko. " Kaw na bahala dyan aa."

" Yes, Ma'am." sabay salute.

Naglakad na ko papunta sa bldg. B. 

Pagdating ko sa room, as expected, wala pa nga si Sir. Sa likod na pinto ako dumaan. Masyadong maraming tao sa harap ii.

As always, dito na naman ako nakaupo sa pinalikod na upuan. Rinig ko pa naman ang prof mula dito at kita ko pa rin naman ang sulat nya. Tska dito ang the best na upuan. Anytime pwede akong matulog pag tinamad ako sa klase. Tulad ng subject na to.

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now