chapter 67.2 : countdown

1.8K 22 4
                                    

chapter 67.2 : countdown

[ Ele'na ]

 Friday.

2 days to go~

Good news! Bumalik na si Slater galing sa bonggang OJT nya. Ang saya-saya ko! Na-miss ko tong lalaking to ii. 

Nakaupo kami ngayon sa bench dito sa ilalim ng malaking puno sa madalas naming tambayan dito sa school. Nakasiksik ako sa kanya habang nakaakbay sya sakin. Tahimik lang kami. Just enjoying this moment. Letting silence be our heart's language.

Ok na sana ang lahat maliban lang sa bad vibes na galing kina Kira at Patch. Haaay. Eto kasing si Kira napaka-tanga. She's really a pain in the ass. haaay~

2 days na lang kasi at date na ni Patch. Pero mukhang wala syang balak na makipag-ayos kay Patch. Kasi mula nung eksena kahapon, hindi pa rin sila nagpapansinan. Kahit ngayong naglalaro sila ng badminton, dedma to the max pa rin ang drama nung dalawa. Pinipilit na sila ng buong barkada na mag-usap, actually nagawa na nga sila ng paraan ii, pero wala pa rin. Dapat kasi magka-partner silang dalawa sa laro laban kina Chynna at Sam. Pero nag-quit si Kira at sinabing wala sya sa mood maglaro. Kaya eto sya ngayon, nasa kabilang bench. Nanunuod lang sa laro nina Chynna, Sam, Patch at Ashley. Nakaupo sa tabi nya si Nathan.

Nako nako! Kaya naman pala parang nag-a-amok si Patch ii. Magkatabi pala yung mag-ex. Mag-ex fling. At mukhang masaya pa si Kira na nakikipagkwentuhan kay Nathan. Hay nako Kira~ Ang sakit mo sa bangs!

" May problema ba, my lady?" tanong sakin ni Slater. Mejo na-distract kasi ko kay Kira kaya mejo na-dedma ko sya.

" Sorry, baby. Eto kasing si Kira at Patch ii. Nasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa."

Tinawanan lang ako ni Slater at kinurot ang pisngi ko, " Ang cute mo talaga!" inalis na nya ang paagkakakurot sakin, " Pero hayaan mo na sila. Masosolusyunan din nila ang problema nilang yan. Tiwala lang."

" Sana nga. Mi-gad! 3 days na lang oh! Tatlong araw na lang at mapupunta na si Patch sa iba, pero kalokaaaa~ Wala pa ring ginagawa si Kira."

Wala ba talaga syang balak na makipag-ayos kay Patch at pigilan sya sa date nya kay Azumi? 

Napabuntong-hininga nalang ako sa pag-iisip ng sagot.

                                                       ~... ~ .. ~ ... ~ .. ~ ... ~ .. ~ ... ~ .. ~ 

[ Karly ]

Saturday

24 hours left~

Wala kaming pasok ngayon. Wala kasing prof ii. Kaya eto, tambay mode muna kami ni Kira dito sa bahay. May klase pa sina Ele'na at Ashley kaya hindi namin sila kasama ngayon. Si Chynna naman kasama ni Liam. Mamimili daw sila ng ingredients para sa practical exam ni Liam bukas. Kaya bonding moment muna kami ni Kira ngayon dito sa bahay.

Wala kaming maisip na gawin kaya nanuod nalang kami ng movie. My boyfriend is a Type B ang natripan naming panuorin. At mukhang nag-e-enjoy naman si Kira.

" So ano ng balak mo Kira?" tanong ko sa kanya nung umupo ako sa tabi nya at inabot ang niluto kong popcorn.

Kumuha sya ng popcorn bago sumagot, " balak saan?"

" hindi saan. Kanino."

" Kanino?" nagtatakang tanong nya.

" Wala ka ba talagang ideya o ayaw mo lang talagang sagutin ang tanong ko?"

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now