chapter 63.1 : postponed

1.8K 17 3
                                    

chapter 63 : postponed

( hindi ko inaasahan to )

[ Kira ]

Gutom na gutom na kooooo~

Grabe! Kelan ba balak ni Miss President na palagasin kami? Shet! Gutom na gutom na ko ii! Hindi na ko makapag-isip ng matino dahil sa sobrang gutom. 

Buti nalang inabutan ako ni Salvatore ng biscuits. Pagkuha ko, tinago ko agad. Madamot ako ii! Langhya! Kung ipapakita ko to sa mga tropa ko, mauubusan ako. Ang sama ko talaga! Sus! Busy naman sila sa pag-tsi-tsismisan ii. Wala akong panahon para sa ganyan. Mas gusto kong kumaen. Gutom ako ii! GUTOOOOM!

After ng ilang minuto, pinayagan na kami ni Miss President na kumaen ng lunch. Sa wakas! Hindi pa kasi solve ang mga dragon sa tyan ko ii. Gusto pa nilang lumamon. Kaya kinuha ko agad ang bag ko at tumayo. Pero bago pa ko makaalis, bigla akong pinigilan ni Patch.

" Wait lang Ly." sabi nya habang nadukot ng panyo sa bulsa. Ano trip nito?

" Bakit ba?!" sigaw ko sa kanya. Kung kelan nagugutom na ko, saka mang-aabala. Leche!

" Wait lang." 

Ano ba talagang gusto nito? Naiirita na ko aa. Hanggang sa tumigil na sya sa pagpapanic at paghahagilap sa bulsa nya. And out of nowhere, napansin kong nakatitig sya sakin. Kaya napatitig tuloy ako sakanya. Iba kasi yung mata nya ii. Ang ganda. Parang mata pa lang nya may sinasabi na. I love his eyes. His eyes ONLY! At ang sumunod na eksena ee nakataas na ang kamay nya. Loko to aa! Saktan ko kaya to!

" Hoy! Ano yang trip na yan?!" sigaw ko sabay tabig sa kamay nya. 

Ay shooot!  " Shet! May amos ako?!" pasigaw kong tanong sa kanya at kinuha ko agad ang panyo ko. Grabe! nakakahiya ako! Ang tanda tanda ko na pero ang kalat ko pa ring kumaen. Kainis! Nakakahiya! 

After kong magpunas, "" Meron pa ba?" 

Mejo natigilan na lang sya at napakamot ng ulo. " A-a. Wala na." pautal nyang sagot. Anong problema nito? Hindi na ba sya marunong magsalita?  Natatawa ako sa kanya. Para kasi syang timang. But I appreciate his action. Minsan talaga may sapak tong si Patch. Hindi ko sya ma-gets ii. Lalo na lately.

" Shit ka talaga Salvatore!" sabi ko. Lumapit na ko kina Karly at Sam.

" So, Kira. isusulat ko na pangalan mo?" tanong ni Karly.

" Kelan ba yan?" tanong ko. Ano na bang napag-usapan habang nagsosolo ako sa pagkaen?

" Sa 23."

" 23? Hindi ako pwede ii."

" Bakit?!" pasingit na tanong ni asungot Patch. " May DATE KA?!"

Wow! Makatanong. Boyfriend kita? Pag hindi nakapunta, may date agad?! Hindi ba pwedeng may importanteng pupuntahan lang?! Tsss. " Wala!" pasigaw kong sagot. Kapikon ii. " Uuwi akong Ireland. Mag-Pa-Pasko ako with my Dad."

Yeah. Uuwi ako. Sa wakas. Nagtatampo na kasi si Daddy ii. Hindi daw kasi ako umuwi nung sembreak ii. May isa pang nagtatampo, si ... 

" Miss Pres!" tawag ni Patch. 

" Po?" sagot naman nya.

" Pwede po bang ma-move tong event? Like 22nd?" suggestion nya. Sus! Papa-move pa talaga? Pa-importante ii.

" HINDi PWEDE! Naka-reserve na tayo sa venue. Kaya ndi pwede."

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now