chapter 68 : that deal called ...
( this time ... )
[ Kira ]
Masakit yung sampal n Ashley sakin. Alam ko nasaktan ko rin sya nung sinabi ko sa kanya kanina na wag syang feeling close. Nabigla lang naman talaga ako sa mga nangayari. Kanina lang kasi naipamukha sakin yung mga sinabi nya ii. Siguro yun lang talaga ang hinihintay ko para panindigan ko na ang nararamdaman ko para kay Patch.
Kasi kahit anong tanggi ang gawin ko, hindi ko na kayang itago pa kung gano ko kamahal si Patch. Hindi ko kakayanin na may ibang babaeng makakasama at magpapasaya sa kanya. Mas mahal ko sya kesa sa first love ko - si Nathan. Oo hindi nya sya ang first love ko pero sya ang huling lalaking mamahalin ko ng ganito.
Hindi ko na ma-imagine ang isang araw na hindi ko sya kasama o hindi ko sya nakikita. Kaya nga naging mahirap ang mga nakaraang araw na hindi nya ko pinapansin ii. Mahirap ang wala sya. Pero dahil isa kong malaking tanga at ayokong makita ng mga tao na mahina ako, mas pinili kong umarteng ok lang ang lahat kesa pigilan sya.
Nung sinabi nya saking ako yung espesyal na babae sa buhay nya, hindi ko alam kung pano ko co-controlin ang emosyon ko. Overflowing sa saya. Parang panaginip lang ang lahat. Gusto kong sabihin sa kanyang mahal ko rin sya. Gusto kong sabihin sa kanya kung gano ako nag-selos at nasaktan nung nawala ang atensyon nya sakin nung nasa Quezon kami at nakipag-flirt sya sa iba. Gusto kong sabihing masaya ako dahil nanjan sya nung mga panahong akala ko mawawala na sakin ang lahat. Gusto kong sabihin sa kanya kahit makulit sya at babaero ee mahal ko pa rin sya. Gusto kong sabihin ang lahat ng yun. Pero naunahan ako ng takot.
Takot na baka pag sinabi ko yun ay magbago ang lahat. Pano kung maging kami tapos hindi pala kami compatible sa isa't isa? Pano kung wala kaming ibang gawin kundi mag-away? Pano kung in the end masaktan lang namin ang isa't isa at tuluyang maghiwalay? Hindi ko kakayanin yun. Hindi ko kaya na mawala sya sakin. Kaya natatakot akong sabihin sa kanya ang lahat.
I had my chance, and sometimes in life, there are no second chances. So this time, I will take it. No more buts. No more what if. Just a deep breathe and enough courage to say what I should say.
Paninindigan ko na ang lahat. Hindi na ko matatakot. Hindi na ko magtatanong ng 'what if'. I want to share every memories that I will have for the rest of my life with him. I want to sleep at night with him by my side and wake up in the morning hearing his beautiful voice. I want to spend each day of eternity with him. I want him. Nothing but him.
Eto na ang pagkakataon ko ii. Eto na yung nakatakdang panahon para gawin ko to. Kelangan kong puntahan si Patch at pigilan sya. Akin lang sya ii. AKIN LANG!
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Patch. Pero hindi sya sumagot. Sa sobrang inis ko, tinapon ko na lang to sa kabilang upuan at humarurot papunta sa ATC. Hindi ako papayag na makuha ng iba ang taong mahal ko. This time will never let him go. I will never let the person that I love go.
Pagdating ko sa ATC, tumakbo ako loob ng mall. Pakin shet! Pano na ko nito?! Yung huling beses na pumunta ako dito is yung kasama ko si Liam. Napahiwalay ako sa kanya at nang mga panahon na yun, hindi ko pa kilala ang cellphone kaya wala akong nagawa kundi hanapin sya hanggang sa magkanda-ligaw-ligaw na ko sa loob ng mall. With that, I ended up standing behind a woman who helped me paged Liam.
Paged?!
TAMA!
Pwede kong ipa-page si Patch. Maririnig naman siguro nya yung panawagan ko di ba? Tama! Pwede nga yun! Ang galing ko talaga! ^____________^
Pero saglit lang~ San nga pala ko pumunta nun? Ilang taon na rin kasi ang nakalipas ii. Hindi ko na tanda kung san ako pumunta nun. Pano na to? Mukhang wala talaga kong choice kundi libutin ang mall na to at hanapin yung lugar na yun o si Patch.
YOU ARE READING
That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]
Dla nastolatkówWe have the 'WRONG LOVE' at the 'RIGHT TIME'. It all starts with a deal as a result of a slight and reckless accident. That fateful day at the rooftop of Alpha Building,the girl that has the sharpest-looking eyes I'd ever seen, used my weakness agai...