chapter 38 : miss you like crazy
( at nakakabaliw na to aa! )
[ Ele'na ]
Pag gising ko, nasa ibang kwarto ako. shet! Sinong naguwi sakin dito? san to? Bago pa ko magwala at tawagin ang buong sandatahang lakas, pumasok ng kwarto si Kira. Derederecho syang naglakad papunta dun sa salamin.Hinawakan nya yung salamin at bumukas to. Pagbukas nagulat ako. Walk-in closet pala yun.
" Kira?"
" Hindi! Hindi ako to! Anak ng pating ka! iinom inom ka tapos hindi mo naman pala kayang asikasuhin ang sarili mo pag lasing ka na! Tsss. Napaka-ireseponsable."
" Wow! Wagas ka maka-sermon aa. Tatay ba kita? Ee kahit nga tatay ko hindi ako masabihan ng ganyan, Ikaw pa?! Lakas mo aa!"
" Ee bakit ka ba nandun kagabi?"
" Maliban sa obvious na napakalasing ako. GInawa ko yun, umaasa na dadating si Slater para iligtas ako."
" Pero wala sya di ba? Bakit ka ba umaasa? Sino ka ba para sa kanya? Hindi ka ba napapagod umasa? Kay Patch umasa ka din aa."
" Ouch aa! Ee di ikaw na! Ikaw na naging girlfriend nya. Kapikon!"
" Bakit kasi nagpakalasing ka pa? Wala ka namang kasama dun."
" Ok lang yun dadating naman si Slater ii. Dadating sya kasi mahal nya ko."
" Pano mo nasabi yun?"
" Sinabi ba nya na mahal ka nya?"
" Hindi pero~"
" Pero nararamdaman mo? Ano ka psychic?! Kalokohan yan!"
" Yaaah! Nakakainis ka Kira!"
" Aba! Wag ka kasi masyadong feeling. Feeling mo kasi makukuha mo agad lahat ii. GGSS ka nuh?!"
" GGSS?"
" Gandang Ganda Sa SArili." sabi nya habang kumukuha ng damit sa closet nya. " So yun nga. Kelngan mong pagtrabahuhan ang lahat ng bagay. Hindi lahat nakukuha in an instant."
Dun ko lang na-realize na tama nga sya. Palagi nalang akong ganito. Kelangan ako ang kumilos ngayon. Kelangan kong sabihin kay Slater ang nararamdaman ko.Gusto ko sya. Gustong gusto.
" Oh? Ee di natauhan ka na." sabi ni Kira.
Lumapit ako kay Kira at napayakap ako sa kanya.
"Thank you, witch!"
" Shut up, bitch!" tinutulak nya ko palayo. " Layo ka nga! Ayoko ng niyayakap ako! ALIIIIIIIS!"
Bumitaw sya sakin.
" Tulungan mo nalang akong pabalikin si Slater sa buhay ko."
" Tsss. Ano ka swerte?" sabi nya.
Papailit talaga to palagi. Kaya nagpaawa epek nalang ako.
" Geeez. Hindi bagay sayo! Tssss. May magagawa pa ba ko? Kelangan kong magpakabait ii."
" Sus! Imposible mong magawa yan,witch!"
" Posible! Ewan sayo! Bahala ka na nga jan. bitch!" tumayo na sya.
YOU ARE READING
That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]
Genç KurguWe have the 'WRONG LOVE' at the 'RIGHT TIME'. It all starts with a deal as a result of a slight and reckless accident. That fateful day at the rooftop of Alpha Building,the girl that has the sharpest-looking eyes I'd ever seen, used my weakness agai...