chapter 54.2 : 10% rejection

2K 19 18
                                    

chapter 54.2 : 10% rejection

( </3 )

[ Imaginary Hovering Camera's POV ]

Nag-gagala gala na naman ako. At nakita ko ang university na to na puno ng mga aligagang estudyante. MAy nakita akong trapaulin na may nakasulat na " Happy 50th Foundation Week". Aba! Foundation week pala. Ang isa sa pinaka-masayang linggo ng college life. Ano naman kayang pinagkaka-abalahan ng mga estudyante?

Nag-zoom in pa ang camera at nakita namin ang isang familiar na babae. Nakita ko na sya noon ee. Yung babae sa park nung nakaraang gabi. Si Kira. 

Nag-aayos sya ng gamit sa table nya habang nag-hu-hum ng isang hindi gaanong pamilyar na kanta. KPop ata yun. Ilang minuto ring nakatitig sa kanya ang camera ko. Type yata sya nito ii. Malanding camera! Hanggang sa pumatak na ang iilang ulan. Lumapit sya sa bintana at sumilip. Mejo napasimangot sya ng makumpiramang umuulan na nga. Wala ba syang payong?

Bumalik sya sa upuan nya at kinuha na ang bag nya. Sinundan sya ng camera, mula sa labas ng building, habang naglalakad sya papuntang ground floor. Pagdating sa ground floor, nakita na ang isang lalaking pamilyar din sakin. Si Nathan.

Kaya mas lumapit pa ang nano camera na to at pinatindi ang mic para marinig ko ang kung ano mang pag-uusapan ng dalawang malanding batang to. PEEEBEEEBEEEETEEENS?!

" Uuwi ka na?" tanong ni Nathan. Ay nako! Ang bobo lang ng tanong aa. Hindi ba obvious men?!

" Yup. Ikaw?" pa-cute naman na sagot nitong si Kira. Tuktukan kita ng isa jan ii~~! PA-cute!

Naglalakad na sila. "Balita ko ikaw daw ang respresentative ng ECE aa. Ang galing naman. Susuportahan kita jan." sabi nya sa kanya. Eto namang si girlalu, speechless at abot tenga ang ngiti. 

Napatigil sila main door ng building. " Oo. May dala ka bang payong?" tanong ni Nathan.

" Wala nga ii. Nakalimutan ko sa bahay kanina." sagot naman ni Kira. Naks! Numi-ninja moves ka ha!

" Aa ganun ba. Kunin mo nalang to oh." inabot ni Nathan ang payong nya kay Kira. " Tatakbo nalang ako sa kabilang building para kumuha ng payong."

Nag-aalangan pa si Kira na kunin yung payong. Anong gusto nitong babaitang to?! Gusto mo pang share kayo?! Landeeeee~!

Nang makuha nya ang payong, tumakbo na si Nathan palabas. Ilang segundong nakatayo dun si Kira hanggang na-realize nyang gusto nya palang tumakbo palabas. Sumunod naman agad ang nano camera ko. Buti nalang talaga water proof to. Rain proof. Shock proof. Fire proof. Bullet proof. Basta lahat ng proof. Imba di ba?!

Naabutan ni Kira si Nathan. " Nate." tawag nya at inabot ang payong. Basa na silang pareho. 

" Ikaw na ang gumamit nito." sabi ni Kira. Nanginginig ang boses nya. Ayon sa mga chika chika sa kanto, mula nung sleep over, hindi na sila nagkaka-usap. Parang may something daw na nangyari. Ang dami ngang chika ii. Trending topic na sila sa chismisan.

Pero hindi tinanggap ni Nathan ang payong. " Ikaw na ang gumamit nyan." nag-umpisa na ulet syang maglakad.

Tatlong hakbang na ang layo ni Nathan ng sumigaw si Kira. " HINDI SI PATCH ANG GUSTO KO. O KUNG SINO MANG LALAKI JAN. WALA AKONG IBANG GUSTO KUNDI~"

Bago pa matapos ni Kira ang litanya nya, humarap sa kanya si Nathan at tumakbo palapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay nya. " Halika na. Baka magkasakit ka pa ii."

Awuts!

Kawawang Kira. Hindi pa natapos ang gustong sabihin. Ang saklap naman yun. Kung kelan nagkalakas na sya ng loob na mag-confess kay Nathan, saka naman sya pinigil nito. Tsk tsk. 

Tumatakbo sila ni Nathan sa ilalim ng ulan at magkahawak kamay pa. Hindi ba ang romantic ng eksena nila? Pero bakit parang wala akong makitang kilig sa mga mata ni Kira? Na-cu-curious tuloy ako sa tumatakbo sa isip nya.

<3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3

[ Kira ]

Habang natakbo sya sa ilalim ng ulan at papalayo sakin, dun ko lang na-realize na eto na yung matagal ko ng hinihintay. Ang natatanging sandali para ipaalam ko sa kanya ang nararamdaman ko. Na-gusto ko sya. Sya lang at wala ng iba! Kaya with all my strength, huminga ako ng malalim at sumigaw.  

" HINDI SI PATCH ANG GUSTO KO. O KUNG SINO MANG LALAKI JAN. WALA AKONG IBANG GUSTO KUNDI~"

Pero bago pa ko matapos sa gusto kon sabihin, humarap sakin si Nathan at tumakbo palapit skain. Nang kaharap ko na sya, hinawakan nya ang kamay ko at tinitigan ako sa mata " Halika na. Baka magkasakit ka pa ii." At ngumiti sya sakin.

Magkahawak kamay kaming tumakbo sa ilalim ng ulan. Nakayuko lang ako. Nakatitig sa magkahawak naming kamay. Gusto kong ngumiti kasi bumalik sya. Pero mas nangibabaw ang lungkot sa puso ko. Hindi ko alam kung san to galing pero anak ng pating! Nalulungkot talaga ako. Ang sakit sa puso.

Akala ko ang korni ng mga eksena dati sa mga pelikula na naiyak sa ilalim ng ulan. Pero ngayon, na-realize ko na malaking tulong pala ang ulan para itago ko ang nararamdaman ko.

Gusto ko sya. At tanggap ko na kung may gusto man syang iba. 

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now