chapter 54.1 : foundation week

2.1K 17 14
                                    

chapter 54.1 : foundation week

( let the games begin )

[ Kira ]

1st week of December na. At foundation week na! Kaya busy ang lahat ng tao dito sa university. Kanya-knayang asikaso ng kanya-kanyang booth. Ngayon taon, severe na severe sa dami ang inaayos namin. Gustong ipa-present ng mga prof yung mga robot na ginawa namin last year kaya kelangan tuloy naming i-restore yun. Yung mga lower years naman naka-assign sa Henna Booth, Movie Booth at Gaming Booth. 

Grabe! Nakaka-stress! Windang ang katawang lupa ko!

2 days from now ang umpisa ng pagbubukas ng booths at exhibit. Buti nalang. Mahaba-haba pa ang oras naming lahat.

After ng klase sa Control System, nagpatawag si Mr. President ng meeting. Speaking of Patch, hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa kanya. Ano bang sapak nya nung nag-sleep over kina Ashley? Bakit nya kaya ako niyakap? Ano kaya yun? Tsss. Mas lalo lang nyang ginugulo ang utak ko ii.

" Attention Classmates!" sigaw nya nung nasa harapan na sya. Aba! Parang may bago sa kanya. Bago hairstyle? Hmmm. Mas cute sya sa ganyang ayos. 

Natahimik at nag-settle down ang buong klase at nakinig sa sasabihin ng pasaway naming presidente.

" So lahat naman tayo ee may naka-assign na na gagawin. Pero meron pa pala tayong nakaligtaan."

" HA?!" sigaw ng mga kaklase ko. Tama nga naman! Dami na ngang projects, may dagdag trabaho pa. Tssss.

" May isang event kasi na na-overlook ko. Yun yung pageant na inoorganize ng SCO. Kaya naman kelangan natin ng representative."

" Sino naman?!" sabay sabay naman na sigaw ng mga lalaki sa likod.

" Ee sino lang ba ang mga babae dito sa klase?" sabi nung isa.

At lahat nagtinginan sakin, kay Karly at kay Sophia. 20 nalang kaming magkakaklase. 15 na lalaki. Tatlong babae. at dalawang binabae.

" Oy hindi ako pwede." sabi ni Karly habang nakataas ang dalawang kamay. " Wala ako dito sa Pilipinas sa foundation week."

" Ee di si Sophia nalang." suggestion naman nung isa kong kaklase. Mainam yan classmate! I-suggest nyo lang sya para hindi ako ang maging representative. Ayoko ngang sumali jan.

Kumontra naman agad si Patch. " Hindi na pwede si Sophia. Kasali na sya sa Cosplay Competition ii."

Ay oo nga pala! Sya na representative namin sa cosplay kaya hindi na sya pwede. Lechugas naman kasi ii! Ang daming alam ng mga tao. kainis!

" Ako nalang Papa Patch!" chika naman ng bading na nasa harapan ko. Tumingin sa kanya ang lahat ng lalaki at muntik na syang batuhin ng kung anomang hawak nila ng oras na yun sa peys.

" So kung hindi pwede si Sophia. Hindi rin pwede si Karly. Ee di wala na tayong choice kundi si Kira nalang." sabi ni Patch.

Anak ng tokwa!

Napatayo ako sa sinipa yung upuan ko. " Kalokahan yan! Ayokong sumali."

" Hindi pwede! Sasali ka sa ayaw o gusto mo." sabi ni Patch. Aba! Lokong lalaki to aa! Hindi porque may moment tayo sa park ee ganyan ka na. Bigwasan kita ng isa jan ii.

" Mukha mo, Salvatore!" pa-walk out na ko ng pigilan ako ni Karly.

" Please Kira. Hindi kasi pwedeng wala tayong representative. Mamomroblema si Nathan ii. Sya ang mapapagalitan ng mga prof. Kasi hindi magiging successful ang event kung hindi sasali ang lahat ng org."

" Ee bakit hindi na lang isali yung mga lower year?"

Sumingit sa usapan namin si Patch. " Hindi pwede. 4th year lang ang pwedeng  isali."

" Tssss." reklamo ko. Pero kung hindi ako sasali, si Nathan naman ang mahihirapan. At ayoko namang mangyari yun. Kaya hmmmmm para kay Nathan, " Sige. sasali na ko."

Nagsigawan naman ang mga lecheng kaklase ko.

Anak ng tokwa! ano tong gulong napasukan ko?!

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now