chapter 15 : she's my girl

2.9K 31 23
                                    

chapter 15 : she's my girl

 (hindi ko naman ginusto to ii)

[ POV : Patrick Charles Salvatore ]

Ang aga-aga, eto na naman si Kira. Nangbbwisit! >_________<"

" Sabi ko sayo, sunduin mo ko dito sa bahay, DI BA?!" sigaw nya sa kabilang linya.

Aba! Kung maka-utos aa. Wagas!

" Pano nga kita susunduin, ee ndi ko naman alam kung san ang bahay nyo!" sigaw ko rin sa kanya. Kala mo ikaw lang ang marunong sumigaw?!

Nakapunta na kami sa bahay nila nung injured sya dahil sa kaangasan nya pero syempre, sinabi ko na hindi ko alam. Nakakatamad kayang sunduin sya!

" Sinisigawan mo ba ko,ha?! Aba! Kaya mo na buto mo?! Tska tigilan mo nga ko! Nakapunta ka na dito sa bahay aa! Pumunta ka dito!"

Ee sa tinatamad ako ii. Bakit ba?! Wala na ba kong kalayaan?

Paking tape!

Hindi na lang ako sumagot. Badtrip ako ngayon ii.

Mamayang 10.30 pa ang klase ko pero kelangan kong gumising ng umaga para lang maihatid tong bruha kong master. Gumimik pa man din ako kagabi kasama si Lira. 5am na ko nakauwi. Tapos tatawag sya ng 7am para sabay kaming pumasok?! 

Pak! Hindi ba nya kayang gawin yun ng mag-isa?! >________<"

Pero kahi anong gawin kong paghihimutok dito ee wala rin namang magbabago. Mas lalo ko lang sinistress ang sarili ko.

Kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago ako magsalita. " Magkita nalang tayo sa kanto ng subdivision nyo."

" Tssss. Sige. Hihintayin kita. At wag mong subukang hindi pumunta!" sabi nya.

Pumasok na nga sa isip ko na hindi pumunta ii. Swerte mo nagbago isip ko.

Sumagot ako. " Ge."

End of conversation.

Naligo na ko at nagbihis. Kinuha ko na ang mga gamit ko at susi ng aking itim na Maserati.

Habang nag-d-drive ako papunta sa university, may biglang pumasok sa isip ko.

Anong magiging reaksyon nina Ele'na pag nakita nila na magkasabay kaming pumasok ni Kira. At take note, nakasakay sya sa kotse ko. Wala akong pinasasakay na babae sa itim kong Maserati nuh. Yung puting Ford Focus ko ang ginagamit ko pag nakikipaglandian ako sa ibang babae ii.

Pag nakita kami nina Ele'na, siguradong gulo na naman to! Tsss. Ayoko na! Hassle ii! Nakakapikon na yung mga nangyayari between her and Kira. Nakakapagod ng gumitna sa kanila. Tssss.

After ng ilang minuto, nakarating na ko sa kanto ng subdivision nina Kira. 

Nakatayo sya dun. Kanina pa siguro sya naghihintay. 

Parang iba yata ang itsura nya ngayon. Hindi sya nakasuot ng ordinaryo nyang suot. Hindi sya naka-black jeans at simpleng shirt. Naka 3/4-sleeve dress na hanggang tuhod at mejo marami ang kulay. Nakaayos din ang buhok nya at hindi sya masyadong maputla. Nakakakaen siguro sya ngayon.

" Get in." sabi ko

Sumakay na sya. At tinapon yung bag nya sa likod.

" Bakit hindi ka man lang nag-abalang pumunta sa bahay,ha?" sabi nya.

Aba! Like a boss!

" Sayang ang gas ko." 

Like a boss din ako! Kala mo,ha.

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now