chapter 24 : world war 1285463790
(hindi nyo binasa yung number nuh?! aminiiiiiiiiiiin!)
[ Patch ]
Isang ordinaryong araw. Pero kelan ba nagkaroon ng 'ordinaryong araw' simula ng nakilala ko si Kira? Parang wala naman. Ang daming nagbago simula ng makilala ko sya ii. Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o dapat akong mainis. Hmmmmm.
" Ohayoooooooo!" bati sakin ni Karly.
Patakbo syang lumapit sakin habang nag-w-wave.
" Good morning Karly!" sagot ko naman. Syempre may kasama ding wave.
Pero bakit parang hindi naman sya sakin nakatingin? Parang tagos sakin ang tingin nya. Hala! Baka patay na ko?! Baka espirito na lang ako?! Nakaka-panic aa!
Lumingon ako sa likod ko. At nakita ko si Kira.
Nakatingin sya kay Karly. At hanggang dun na lang yun,. Wala syang expression sa mukha nya, which is normal naman sa kanya. Hanga nga ko sa galing nyang magtago ng emosyon ii. Minsan nga naiisip ko na baka naman wala talaga syang nararamdaman. Baka isa na lang syang ligaw na kaluluwa dito sa mundong ibabaw.
*goosebumps*
Walanjong yan! Tinatakot ko pa ang sarili ko!
Nilingon ko ulet si Karly. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nya kahit sobra syang dinedma ni Kira.
" Good morning Karly!" bati ko sa bunso namin.
" Ohayo, PAtchy!" sagot naman nya.
" Kuma~"
BOOM!
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, may bumatok sakin. TODO LAKAS na BATOK!
Napalingon ako sa gumawa nun. Pinigilan ko ang bibig ko na magsabi ng kung ano man hindi maganda. Masisira ang imahe ko pag may mali akong nabitawang salita.
At kung sino ang bumatok sakin?
Syempre. Sino pa ba?!
" Lokong boypren ka!" sigaw nya sakin.
Boypren talaga?! As in BOYPREN?! Jologs!
" Good morning Kira!" sabi ni Karly.
" Tsss. Tigilan mo nga ko. Kanina ka pa nag-goo-good morning,ha. Wala namang maganda sa umaga." sagot naman sa kanya ni Kira.
YOU ARE READING
That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]
Ficção AdolescenteWe have the 'WRONG LOVE' at the 'RIGHT TIME'. It all starts with a deal as a result of a slight and reckless accident. That fateful day at the rooftop of Alpha Building,the girl that has the sharpest-looking eyes I'd ever seen, used my weakness agai...