Chapter 56 : confusion( why cant it be? )
[ Kira ]
Tapos na ang pageant. Napapagod na ko kakangiti at kaka-pa-picture sa bawat taong lumapit at nakiki-usap na magpapapicture. Inalok na ko ni Nathan na ihatid sa bahay. Pero na-text ko na si Liam kaya siguradong papunta na yun dito. Kaya tumanggi nalang ako.
Habang hinihintay ko si Liam, muntik na kong manapak ng makita kong may nakatayo sa tabi ko. Si Patch pala.
“ Wala pa ba ang service mo?” tanong nya.
“ malamang. Kasi kung nandito na sya, baka hindi nakita kausap ngayon.”
“ Oh. Drinks.” Inabot sakin ni Patch ng isang can ng Red Horse. “ shot muna!”
Kinuha ko yung can. " Baka may vetsin to aa!" Napatawa lang sya. Bakit kaya may alak syang dala?! Pasaway na presidente ng klase! Ininom ko na agad ang laman nito. “ Bakit ka nandito ha Patch? Sinusundan mo ko nuh?” sabi ko.
“ Kapal mo ha!” tumigil sya saglit para uminom ng REd Horse nya, “ Pero parang ganun na nga. Gusto kitang makausap ii.”
“ About saan naman yun ha?” sabi ko after maka-sip ng drinks. Na-miss ko to aa! Pagnalaman to ni Yaya, patay ako!
“ Pwedeng makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko?” seryosong sabi nya sakin.
“ What's with the serious tone?"
“ Importante kasi ang sasabihin ko." Sabi nya. "Basta makinig ka ha.”
“ Ay ang kulet! Oo na! makikinig ako! Bigwasan kita ng isa jan ii!”
Tinapon nya sa kalsada yung can bago sya magsalita ulet, “ Ayokong makipag-date ka kay Nathan bukas.”
Nanlaki ang mata ko at napasigaw, " HA?! BAKIT?!” kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano bang trip ng lalaking to?! Minsan na nga lang ako maging masaya, kokontrahin pa. Sarap bigwasan ng isa~!
Nakatingin sya sa can na umiikot [a rin hanggang ngayon sa kalsada ng sumagot sya sakin, “ Basta. Hindi pwede. Para sayo din to.”
Sinuntok ko sya sa balikat para tumingin sya sakin. Succesful naman ako. Nakatitig sakin ang brown na mata nya. “ Saglit lang nga." naningkit ang mata ko. "Naguguluhan na ko sayo ha. Parang kanina sinusuportahan mo ko ng bonggang bongga," inalis na nya sakin ang tingin nya at tumingin sa kawalan. Nagpatuloy pa rin ako sa paglilitanya, " tapos ngayon ganyan ka na. sinasabi mo sakin na hindi ako pwedeng makipag-date kay Nate. Ano bang trip mo ha?”
Nilingon nya ko at tinitigan ng seryoso. “ Pwede ba sumunod ka nalang sakin?! Masasaktan ka lang nya! Kaya wag ka na lang pumunta bukas sa party.”
" Kaya ba ayaw mo kong maging date ni Nathan kasi gusto mo kong maka-date?! Tae naman Patch! Kung yun lang ang gusto mo~"
" TUMIGIL KA NGA SA PAG-AAMBISYON, CHISATO!"
" Ee bakit ka nga nagkakaganyan ha?!" napipikon na talaga ako! >________<
Kanina trip ko pang makipag-lokohan sa kanya pero ngayon, nagkakalokohan na talaga kami! Nakakapang-init ng ulo!
Sa sobrang inis ko kay Patch, nalukot ko na pala ng konti yung can na hawak ko. Takteng lalaki to! Ginugulo ang isip ko! Isa na lang talaga! Sabihin mo lang ulet nawag akong makipag-date kay Nathan, makakatikim ka sakin~!
“ Kira. Wag ka ng lalapit kay Nat~” Ay paking tape! Inulit pa nga ng isa! Humanda ka sa iyong kaparusahan!
Bago pa nya matapos ang sasabihin nya, pinigilan na sya ng isang malakas na sampal mula sakin. “ Takte Patch!” tinulak ko sya palayo. Shet! Nakakarindi! Nakakainis! Nakakapikon! “ Wag ka ng lalapit sakin! Wag kang lalapit hanggang sa hindi nagtitino yang pag-iisip mo! Wala kong panahong makipag-usap sayo!” sigaw ko sa kanya. Full force!
Naglakad na ko palayo sa kanya. Narinig ko ang yabag ng paa nya. Binilisan ko pa ang lakad ko para hindi nya ko maabutan. Bumibilis din ang lakad nya. Nilingon ko sya, “ Wag mo kong sundan, tarantado ka!”
“ titigil lang ako pag sinabi mo saking lalayuan mo na si Nathan!” sabi nya.
Tumigil ako. Pero sya hindi. Malapit na sya sakin. Tiningnan ko sya ng masama. “ Sige sumunod ka lang. Hanggang sa mapagod ka! Kasi wala akong balak na sumunod sa gusto mo!”
Nag-umpisa na ulet akong maglakad. At hinahabol pa rin nya ko. Ay ang kulet nito! Buti nalang bago lumiko sa kanto, nakasalubong ko na ang kotse namin. Agad naman tong tumigil. Binaba ni Liam ang salamin sa passenger’s seat at sumilip, “ sinong tinatakbuhan mo?” tanong nya.
Binuksan ko agad ang pinto at pumasok sa loob. “ Patakbuhin mo na agad! May manyak na humahabol sakin.” Sabi ko. Paglingon ko, nakita ko si Patch na nakatayo nalang sa tapat ng isang poste. Inalis ko ang tingin sa kanya at binaling na lang to sa daan.
“ Aba! Yan ang mahirap pag naayusan ka ii. Dumadami ang naghahabol sayo.” Pabirong sabi ni Liam.
“ Tsss. Mag-drive ka na nga lang!” sabi ko sabay sandal ng ulo sa tabi. Gusto kong matulog. Kelangan ko pang paghandaan ang date namin ni Nate.
<3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3
rinBee's CORNER:
Howdie pals! hahahaha
UD muna kahit 3 araw na kong walang matinong tulog dahil sa projects, gora lang! Mahal ko kayo ii~ Sana magustuhan nyo to! ^___________^
XOXO
YOU ARE READING
That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]
Teen FictionWe have the 'WRONG LOVE' at the 'RIGHT TIME'. It all starts with a deal as a result of a slight and reckless accident. That fateful day at the rooftop of Alpha Building,the girl that has the sharpest-looking eyes I'd ever seen, used my weakness agai...