chapter 36: another day without you

2.3K 16 19
                                    

rinBee's NOTE:

isang nakaka-aning na chapter na naman. dapat talaga nagawa ako ng design ngayon ii. pero nakakatamad, kaya wag na lang. mas gusto kong makipagsalamuha kay Ele'na~

Sana ma-enjoy nyo ang chappie na to~ 

XOXO

PS:

don forget to like my page...

just search: somberdoll stories

Love y'all ^_________^**

<3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3

chapter 36 : another day without you

( ano ba?! kelan ka ba babalik?!)

[ Ele'na ]

Solo mode dito sa bahay. Tambay sa kwarto. Ang laki pala ng bahay na to pag mag-isa ka lang. Pati kwarto ko biglang naging malaki para sakin.

3 days na mula ng umalis si Slater. 3 days na rin akong kumakaen sa fastfood o kaya naman nagpapa-deliver dito sa bahay. Nag-d-dry na ang skin ko dahil sa mga unhealthy foods na kinakaen ko.

Kainis! Hindi ko na kaya to! Hindi pwedeng maging taong tighyawat dahil sa isang walang kwentang butler! Ayoko na!

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Daddy 

" Dad! Pauwiin mo na si Slater. Gawin mo ang lahat para bumalik sya dito sa bhay," sabi ko kay Daddy. Punong puno ng severe na pag-de-demand ang tono ko.

" Anak, hindi ko mapipilit ang ayaw." mahinahong sagot sakin ni Daddy.

Nawala sa tamang allignment ang utak ko. " Whaaaat?! Bakit?! Ang simple-simpleng bagay hindi nyo pa magawa pa sakin?! Bakit kayo ganyan?! You're hurting me!" sigaw ko. Mangiyak-ngiyak na.

" Baby, listen. Pumunta si Slater dito sa opisina ko kahapon. Nagpasa sya ngresignation letter. Ibig sabihin nun anak, ayaw na talaga nyang maging buter mo. Kelangan mong tanggapin yun. Kelangan mong mag-let go."

" NO! Hindi pwede!" sabi ko. Pinipilit kong huminga ng normal, pero ang hirap. Kelangan ko yata ng  ... yung ginagamit ng may hika. Yung nebu something. " Hindi nya ko pwdeng iwan. Hindi pwede. Butler ko sya. Kaya dapat nasa tabi ko lang sya palagi. Kaya dapat bumalik na sya. DAPAT!"

" Calm down anak."

" Calm down?! DAD! Pano ko gagawin yun?! Hindi ko kayag mag- calm down. Hindi ko kaya ngayon! Ibalik nyo ang BUTLER KOOOO!" sigaw ko habang naglulupasay sa kama. Parang na-po-possess lang.

" Ok. Kung butler lang naman ang kelangan mo, magpapadala ako jan bukas."

" Hindi ko kelangan ng butler, kelangan ko~" natigilan ako dun. Ano bang sasabihin ko?! Anong drama na naman to?! Kainis lang! Nababaliw na yata ako!

Wala na kong narinig na tugon ni Daddy. Tanging isang paulit-ulit na beep-beep sound ang nasa kabilang linya.

Nakakainis! Binabaan ako sa telepono ng Daddy ko?! Wat-da-heck?! Nakakainis lang talaga aa! 

Sa sobrang sama ng loob ko, humiga nalang ako sa kama at nagtalukbong. Kahit anong pagwawala naman ang gawin ko dito, walang makiki-simpatya sakin ii. Kaya wag na lang. 

Brrrr~

Sabi ng tyan ko. 

Ano ba? Sumasang-ayon ka ba sakin?

Brrr~

Tsss. Fine! Gutom na ko. Pero ayoko na ng fastfood na pagkaen. I've had enough.

" SLAAAAAAAAAAAAAAAAATER! I EFFING HATE YOU!!!!!" sigaw ko sa kwarto.

Matutulog na lang ako. Sana hindi na muna ako magising. Saka na pag may isang Slater na na pumipilit saking gumising.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Kainis! Sabi ko pa man din kagabi matutulog ako ng matagal ee nagisin ako ng maaga. Wala namang pasok ngayon. Inis!

Pagbaba ko sa kusina, may narinig akong kumatok sa pinto.

Nagmamadali akong pagbuksan yung kumaok kasi parang ganito din dati yung eksena nung dumating sa buhay ko si Slater. Pero pagbukas ko ng pinto, ibang mukha ang nakita ko. At hindi ko sya gusto. 

" Ako po ang bagong butler nyo Lady Elena." sabi nya. 

" It's Ele'na not Elena. STUPID!"

Mataba. May salamin. Kulay pink. Kapatid ni Majinboo. At hindi marunong magbigkas ng pangalan ng amo nya. 

SHET!

Annoying ang bago kong butler. I effin' hate him too. Mas stupid pa sya sa mga stupid na nakilala ko. Sayang lang ang nerd image nya kung ganun sya ka-stupid. Ang simple-simpleng bagay hindi man lang nya natama. 

Kainis! Bakit ba hindi ka pa nabalik Slater? Ano na naman kayang kabalbalan ang ginawa ng tatay ko?! Sabi ko sa kanya ibalik nya si Slater hindi palitan. Kapikon! 

Yumuko lang yung chubby guy na nasa pintuan ko. " Sorry, Lady Ele'na."

" Tss. Ano pa bang dapat kong asahan sa tulad mo. And please, dont call me Lady Ele'na. You have no right." cold kong sagot sa kanya.

Tumingin sya sakin. Mangiyak-ngiyak na. Nako! Ilang minuto lang kaya ang itatagal nito sakin. 

" Alam mo, kung hindi mo kayang tanggapin ang lahat ng sinasabi ko, mas makakabuti kung aalis ka nalang. Kasi pag tinopak na naman ako, siguradong kawawa ka." sabi ko sa kanya.

Walang ano-ano, kinuha nya yung mga gamit nya na nabitawan nya yata kanina dahil sa takot at kumaripas na sya ng takbo palayo sakin.

Good. Tama yang desisyon mo. 

SInara ko na ang pinto. Again, alone na naman ako sa malaki at magandang bahay na to. 

Anong drama to? Forever Alone?!

What-the-heck?!

That night, pumunta ako sa Code Bar para mag-inom. Inom lang hanggang sa malasing. Bahala na kung anong mangyayari sakin o kung pano ako uuwi.

Dadating naman si Slater para sakin ii.

Sana.

That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now