chapter 59.1 : unrequited love

1.9K 20 5
                                    

chapter 59.1 : unrequited love

[ Imaginary Hovering Camera ]

Bumalik na sa present ang eksena. Sa loob ng isang malaki at prestihiyosong kolehiyo, may apat na taong nalalagay sa alanganing sitwasyon. Si Kira at Nathan na nasa garden. At si Patch at Ashley na nasa gym.


Hindi tuloy alam ng hovering camera ko kung san sya mag-fo-focus. Mukhang kelangan ko na syang i-level up aa.


“ Nathan, mahal mo ba ko?” tanong ni Kira. Wow! Aggressive lang aa.


Pero bakit hindi nakasagot si lalaki? Ano kayang problema? Lumipas ang ilang Segundo. Hanggang sa limang minute na silang nakatayo dun. Kitang kita ko mula dito ang mga nangingilid na luha sa mata ni Kira. Anak ng tinapa! Masasayang ang eye make-up ni Kira pag umiyak sya. Kaya wag kang iiyak,bruha!


Yumuko nalang si Nathan. Tumayo si Kira at pumunta sa harapan ni Nathan. Hinawakan nya ang kamay nito. “ If you can’t answer me, then just kiss me. Kung mahal mo talaga ako.”


Tiningnan sya ni Nathan. Malungkot din ang mata nito. Ano ba talagang problema nila?! Gusto ko na talagang i-level up ang gadget ko. Gusto kong mabasa ang iniisip nila.


Umiwas nalang ng tingin si Kira at pinilit na ngumiti. “ Gets ko na.”


Pinunasan ni Nathan ang pumatak nyang luha. “ Kira, Im sorry.”


“ Hindi mo kelangang mag-sorry.” Tinabig nya ang kamay ng lalaki. “ Ok lang ako. Wag kang mag-alala.” Sagot nya. Tinaas nya ang kamay nya at hinawakan ang pisngi ni Nathan. “ Alam kong may iba kang gusto. Hindi ako manhid Nate. Nararamdaman kong iba ang tingin mo sa kanya at sa kin. Hindi rin ako selfish para angkinin ka. Kaya ngayon palang,pinapakawalan na kita. Kasi mahal kita.”


“ Sor~”


“ Shhhhh. " pinatong nya ang hintuturo nya sa labi ni Nathan. "Don’t. Just pretend that this didn’t happen.” Tumigil sya at tumitig sa mata ni Nathan. “ Go.”


Walang pagdadalawang-isip na umalis si Nathan. At hinanap ang babaeng mahal nya. Naiwang nakaupo doon si Kira. Pinipigilan ang pagtulo ng luha nya. Kitang kita sa kanya ang severe na severe na lungkot.


Aba naman! Kahit ako, kung sakin mangyayari yun, takte! Baka magwala ako dito. Pero si Kira, kalmado lang. pano nya kay ginagawa yun? Grabe! Iba ka Kira! ikaw na!


Pinabayaan ko muna sya. Hahayaan ko muna syang mag-isa dun. Kaya binaling ko ang camera sa  gym.


Nasa loob nito si Patch, yung lalaking kulot at isang napakagandang babae. Si Ashley. Syempre kilala ko sya. Madalas ko syang iniistalk dati ii. Nakaluhod sila sa gitna ng gym at magkaharap.


“ Anong problema Ash?”


That DEAL Called LOVE [ COMPLETED! ]Where stories live. Discover now