Chapter 7: ITALY

99.2K 1.5K 192
                                    

A/N: New place. New start. New characters approching. ITALY. I Trust And Love You. LOL. Happy reading! Leave comments!

 Chapter 7: ITALY

Rina's P.O.V

          "Yes! Sa wakas! Malaya na ko!!! Wuuhoooo!"

          Lahat kami napatingin kay Renji ng bigla na lang syang sumigaw ng pagkalakas-lakas pagkalabas pa lang namin sa may airport.

          "Ma! Pa! Hintayin nyo ko! Mapag-aaral na natin si bunso! Makakacollege ko na rin si Junjun! At matutulungan ko na din si Ate sa mga bayarin sa bahay, kuryente at tubig!"

          Sabay tumawa sya tapos nakataas pa sa ere yung kamay nya habang sinasabi nya ang mga salitang iyon. Para syang takas sa mental sa itsura nya ngayon.

          "Oh crap! He didn't take his medicine again!"

          Bigla akong napatingin sa tabi ko nang biglang magsalita si JD. I can see irritation all over his face habang nakatingin sa direksyon ni Renji.

          "Tell me, why did we let him join this little detour again Viel?" sabi nya sabay lingon kay Prince Viel na nasa tabi lang din namin.

          "Malay ko. Nasabit lang din naman ako dito."

          Nakakagulat pa rin tuwing naalala ko nang makita ko silang nakasakay din sa eroplano na pinagdalahan sa akin ni JD. Pero mas nagulat ako nang dalhin nya ako dito sa Italy. Ang buong akala ko talaga, kaming dalawa lang ang sakay ng eroplano na yun, kasama din pala namin yung buong barkada nya.

          Akala ko nasa Pilipinas pa din kami. Iyon pala mas nilayo nya ako. Naalala ko na naman tuloy si Xander. Ano na kayang nangyari sa kanya? Nakaalis din ba sya? Alam ba nya na basta na lang akong dinala ni JD dito?

          "Ma! Pa! I trust and love you! ITALY!" natatawang sabi ni Renji sabay lingon sa akin at kumaway pa talaga. "Hi Rina!!!"

          Nagsisimula ng dumami yung mga taong nakatingin sa amin...lalong-lalo na kay Renji. At ang mas malala pa, sinamahan pa sya nila Sean at Ronan sa kalokohan nya sa labas ng airport.

          "We should go. We need to check in for a hotel and have a f*ckin rest!" biglang sabi ni JD sabay napatingin sa tatlo. "Hey morons! Let's go!"

          Nagulat ako nang bigla na lang akong akbayan ni JD. Bigla akong napalingon sa kanya sabay napatingin doon sa kamay nya na nakaakbay sa akin at sunod sa mukha nya.

          Inakala ko na nakatingin din sya sa akin. Pero hindi. Nakatingin lang sya sa malayo...sa tatlo pa nyang kaibigan.

          Bakit nya ako inakbayan? Anong ibig sabihin nito? Saka bakit parang wala lang sa kanya yung pag-akbay nya?

          Muli ko na namang naalala yung huli nyang sinabi sa amin bago kami makababa ng eroplano.

          "Want to be my girlfriend?"

          He said that with the usual smirk on his lips. With his signature angst and confidence na para bang sigurado na sya na "Oo" ang magiging sagot ko sa kanya.

          Minsan hindi ko talaga malaman kung ano ba ang tumatakbo sa utak ni JD. Pabago-bago sya ng ugali nya. I was supposed to be angry with him dahil sa nangyari. Pero all of a sudden, he just washed it away with his sincerity and simple sorry.

          Saka, ano bang gusto nyang palabasin sa bigla nyang pag-akbay sa akin huh?!

          Lihim akong napatingin sa direksyon ni Prince Viel.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon