Chapter 16: Off Guard and the 9th Member

107K 1.6K 185
                                    

A/N: All is well afteral..or maybe not? Hahahaha! Leave comments and happy reading!

 Chapter 16: Off Guard and the 9th Member

Rina's P.O.V

          "Alam mo Rina, bakit ang blooming mo ngayon?"

          "Huh?"

          "Siguro may ginawa kayo ni JD kagabi ano?"

          "H-HUH?! A-Anong pinagsasabi mo dyan?! W-Wala ah!"

          Nagngiting malapad lang sa akin si Renji habang tinititigan nya ako mula ulo hanggang paa.

          "Alam mo, sabi nila, after daw makaranas ng sex ang isang virgin, it's either malolosyang sya o magiging blooming."

          Napasinghap ako sa sinasabi nya.

          'A-Alam ba nya yung nangyari sa amin?! Na may nangyari sa amin ni...'

          Bigla akong nainis ng maalala ko sya.

          'Huh! Sabi na nga ba eh! For sure! Sya na naman nagkwento nun! At hindi na ako magtataka kung ipagkalat man nya yung nangyari sa amin kagabi!'

          Bigla na lang umahon ang hindi maipaliwanag na galit sa dibdib ko.

          Hindi ko akalain na ganung klase pala sya ng tao! Na ikinikwento nya sa mga kaibigan nya yung sex life nya!

          'Huh! Grabe ka Jasper Dwane Villafuerte!'

          "At isa pa Rina..." sabi na naman ni Renji.

          Teka, bakit ba ako nakikipag-usap sa tao na 'to ngayon?

          'Kasi kayong dalawa lang ni Renji ang nasa bahay ngayon at ipinasyal ni JD si Third at sumama yung may nakakatakot na aura nyang pinsan na si Sun remember?'

          "Wag kang magsisinungaling sa taong sinungaling..." sabi nya sabay inom nung tea na pinatimpla nya sa akin. "Yuck! Ano ba'to?! Ang paet!"

          'Buti nga sa'yo!' sa isip ko.

          "May tea bang matamis?" taas-kilay na sabi ko.

          "Oo. Milktea!"

          Pinaikot ko na lang yung mata ko sa kanya.

          "Alam mo, hindi ko akalain na nakakapagpabago din pala ng ugali ang sex."

          Muntik ko ng maibuga sa kanya yung iniinom kong juice sa sinabi nya.

          Grabe naman ang taong 'to! Walang preno kung magsalita! Saka parang normal word lang sa kanya yung salitang sex!

          'Bakit ka pa ba mahihiya Rina? Eh sa totoo naman mga pinagsasabi ni Renji sa'yo. Na totoong nakipagsex ka kay JD Villafuerte? Ano pang inaarte mo ngayon? You're not a virgin anymore so stop acting like one!' sermon sa akin ng inner voice sa utak ko.

          'Pero kahit na! Hindi na sya dapat nakikialam tungkol sa bagay na yun! Saka isa pa, paano nya ba nalaman yun tungkol dun huh?'

          Nababaliw na ako kasi kinakausap ko na sarili ko sa utak ko.

          Paano ba anman. Nakakabaliw din itong kasama ko.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon