Chapter 36: Surprise Project
Rina's P.O.V
"For your final project before graduation, you will become a substitute model for AXA modeling agency." announce sa amin ng Professor/homeroom teacher namin na naging homeroom teacher ko din dati.
"We don't want to repeat what happened last time right?" sabi ni Ma'am sabay tingin sa akin and give me an empathetic nod.
Hindi ko na lang sya pinansin saka nagpatuloy sa pakikinig sa binigay nyang instruction.
The last thing that I need in the world is the sympathy of others. Lalo lang kasi nilang napapaalala sa akin how pathetic I was last year.
"The AXA is just new in business and they were looking for fresh and aspiring models in the future. So don't take this assignment easily and take it as if your future lies in this final project."
Napapatango na lang kaming lahat para sumang-ayon sa sinabi ni Ma'am sa amin.
Sya nga pala, kung napapansin nyo, bumalik na ako sa school.
Ilang araw na din naman ang nagdaan mula ng kumalat yung video na iyon tungkol sa nangyari sa akin last Christmas Eve. Mabuti na lang nakalimutan na ng mga estudyante sa Westside ang tungkol sa video na iyon. Na para bang hindi nangyari ang araw na iyon.
They mysteriously forgot about the video and its content.
Pati yung mga kaklase ko naging normal na din ang turing sa akin. Some even try to make friends and some just want a plain conversational talk.
Okay na naman sa akin iyon as long na hindi na nila ako guguluhin pa ulit.
"And to give us more information about what you will do in your final project," sabi ulit ni Ma'am na pumutol sa malalim na pag-iisip ko. "We invited ng owner and sole founder of AXA Agency."
Biglang umingay yung paligid namin. Lahat kami nagulat doon sa huling sinabi ni Ma'am. Hindi namin inakala na magkakaroon pala kami ng bisita ngayong araw sa klase.
"And you know what? He's also a graduate here in Westside University!" masayang sabi ni Ma'am.
'Graduate sya sa Westside?!' hindi makapaniwalang sa isip ko. 'Hindi kaya classmate ko sya dati? O di kaya ka-batch?'
Hinuhulaan ko pa lang kung sino yung posibleng maging may-ari ng AXA Agency nang bigla na lang tawagin ni Ma'am yung bisita namin na mukhang kanina pa pala nasa labas ng classroom.
"Please come in, Mr. Adriano."
Wait! Adriano? Hindi kaya si—
Nanlaki ang mata ko nang biglang pumasok sa loob ng klase ang isang matangkad na lalaki na may suot na black suit with white polo na hindi nakabutones ang tatlong butones nito mula itaas ng damit nito.
Medyo magulo din ang buhok nya. Aakalin mong kakagising nya lang pero ang nakakabilib lang, bumagay sa kanya yung magulo nyang buhok.
Then his one hand has been placed on his side pocket while the other carries his just removed suit.
"Good morning." nakangiting bati nya sa aming lahat.
Pero sa akin lang sya nakatingin nang sabihin na iyon. He never pull his eyes away from mine.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang sa kanya at ako na mismo ang yumuko para hindi magtama ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
My Jealous Stepbrother (Book 3)
Romance[MJS BOOK 3] JD wants revenge for what they did to Rina. But, as the new page of their story begins, someone from his past will come back and will ruin everything that he just started. New allies and old enemies. Love over trust. Betrayal over pass...