UNEDITED. DAMI TYPO. DI NA-EDIT. HAPPY READING!
Chapter 75: The Wedding
Rina's POV
"Nasaan na ba ang wedding gown ng anak ko? Paanong hindi niyo makita?"
Inalis ko ang tingin ko sa salamin saka ko inilipat ang tingin ko kay Mama na nasa labas lang ng pinto ng kwarto ko.
"Pasensya na po, Ma'am pero kagabi pa namin hinanap yung gown ng bride pero hanggang ngayon hindi pa rin namin siya makita."
Napakunot-noo ako nang marinig ko yung sinabi ng babaeng wedding designer ng gown na pinagawa ni JD for me while were preparing for the wedding weeks ago.
Napatayo ako nang wala sa oras saka nagpaalam ako sandali sa nagmi-make up sa akin ngayon saka naglakad palapit kanila Mama.
"Ma, may problema po ba?"
"Rina!" gulat na sabi ni Mama nang makita na niya ako na nakatayo sa tabi niya. "Oh my god Rina! Nawawala daw ang wedding gown mo!"
"Po?!"
"Pasensya na po, Ma'am pero I suggest na pumili na lang kayo ng available wedding gowns sa boutique namin."
"Pero paano naman yung oras na sasayangin ng anak ko sa pamimili ng panibagong wedding gown niya huh?" si Mama na ang sumagot. "Dalawang oras na lang bago ang seremonyas. Sa tingin mo ba may panahon pa kami na mamili ng panibagong wedding gown para sa anak ko?"
This is very unsual sa Mama ko. Shes always calm and collective at hindi mabilis uminit ang ulo niya. She's a very patient mother.
Pero hindi ko rin naman siya masisi kung nagtataas man siya ng boses doon sa babaeng kausap namin ngayon. Everyone will get mad kapag may nawalang bagay sa kanila most especially my wedding gown on my exact wedding day!
"Paano na po 'yan, Ma?" Nag-aalalang sabi ko kay Mama.
"Hindi ko rin alam, anak. Siguro tanungin na lang natin ang Tito Rico ko."
"Pero nasa simbahan na po sila."
"Oo nga pala."
Ngayon, dalawa na kami ni Mama na namomoblema sa kung ano ba ang susuotin ko.
Paano na 'to? Hindi naman ako pwedeng pumili na lang basta-basta ng kahit anong available na wedding gown na lang dahil baka mamaya hindi pa kasya sa akin iyon at mamaya hindi pa tama ang measurement. Mamaya magkaroon pa ako ng wedding gown malfunction habang naglalakad ako sa aisle.
Bigla akong napahawak sa tapat ng dibdib ko nang makaramdam ako bigla ng kaba.
Is this a sign? A sign na hindi matutuloy ang kasal namin ni JD? Senyales ba 'to na may masama na namang mangyayari?
Nasa ganoon akong pag-iisip nang may bigla na lang nagsigaw ng pangalan ko mula sa unang palapag ng mansyon.
"Rina!"
Sabay kaming napalakad ni Mama sa may hagdan para silipin yung tumawag sa akin.
"Nozomi?"
"Hi bessy!" masayang bati niya sa akin saka kumaway sa direksyon ko saka siya naglalakad paakyat sa direksyon ko.
Pero hindi ang presensya ni Nozomi ang nakaagaw sa atensyon ko kundi yung malaking box na dala-dala nito ngayon.
BINABASA MO ANG
My Jealous Stepbrother (Book 3)
Romance[MJS BOOK 3] JD wants revenge for what they did to Rina. But, as the new page of their story begins, someone from his past will come back and will ruin everything that he just started. New allies and old enemies. Love over trust. Betrayal over pass...