Chapter 58: Masquerade Party

63.6K 1K 288
                                    

Chapter 58: Masquerade Party

Rina's POV

          "Kailangan ko ba talagang magbihis ng ganito?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan yung sarili ko sa salamin.

          "As much as I want to see you naked, you need to wear that kind of thing."

          Tinapunan ko ng masamang tingin si JD sa salamin na nasa likuran ko lang doon sa sinabi nya na kamanyakan saka tiningnan ulit yung sarili ko sa salamin.

          "Hindi kaya overrated naman yung suot ko? Ano bang klaseng party iyon at kailangan nakasuot ako ng queen's dress?"

          "It's a formal party na has a masquerade theme. What do you expect to wear? Shorts and shirt?" bagot na sagot ni JD saka ako tinalukuran.

          "Kaya nga ako nagtatanong di ba?!" inis na sabi ko sabay bato ng suklay sa direksyon nya kaya lang nailagan nya iyon.

          "Nice try." sabi nya sa akin matapos nya ako lingunin saka sya ngumisi sa akin.

          Argh! That smirk! It really, really pissed me off kahit noon pa!

          "Ma'am wag na po kayong magalit kay Sir JD. Gusto nya lang kayo na magmukhang maganda as his date."

          Mabigat akong napabuntong-hininga saka muling humarap sa salamin nang marinig ko yung sinabi ng make-up artist na kinuha ni JD para ayusan ako.

          Nakakainis! Party lang naman 'to ng babae nya tapos kailangan pang magbihis ng ganito! Tsk! Kung di rin naman maarte yung babae na yun ano! Nakakainis!

          'Tapos sabi mo di ka nagseselos kay Susan.' sabi ng isang bahagi ng utak ko.

          'Hindi naman talaga ah! Paki ko doon sa kanya? Mas malaki lang naman yung dibdib nya sa akin eh!' sagot naman ng kabila.

          'Hindi lang 'yun yung lamang nya sa'yo alam mo 'yan. Mas sexy din sya, mas maganda, mas mukhang may experience, mas may—'

          Oo na! Oo na! Mas lamang nga sya sa akin sa lahat ng bagay. Pero kahit na! Ang OA naman ng pinapasuot nya sa mga bisita nya sa party nya!

          'Huh! For sure front nya lang yung party na 'yun kasi si JD lang naman talaga yung gusto nyang isama at makita! Huh!'

          Gusto ko nang batukan yung sarili ko sa sobrang inis sa mga pinag-iisip ko.

          Siguro tama nga si JD kanina na nagseselos nga ako sa babae nya—okay! Sige na! Nagseselos na ako kay Susan!

          Pero sino ba namang hindi di ba? Nakita nyo na ba itsura ng babae na 'yun? Sobrang ganda nya! Ang sexy pa! Mukha pang mayaman! Nakakainis!

          "Hindi pa ba kayo matatapos dyan?" bigla na namang pumasok si JD sa loob ng kwarto ko kung saan ako inaayusan.

          "Okay na po sya Sir JD." sagot nung make-up artist saka chineck sa huling pagkakataon yung make up ko, damit ko saka yung ayos ng buhok ko. "Yup! Okay na sya."

          "Good. Let's go." sabi ni JD sabay nauna ng lumabas ng kwarto.

          Di ba dapat sa mga ganitong uri ng okasyon dapat aakayin ako ni JD at sabay kaming lalabas ng condo nya with arms linked to one another?

          Pero hindi. Anong ginawa nya? Ayun! Nandoon na sa labas at nauna na! Nakakainis di ba?! Di man lang sya umarte na gentleman! Sayang naman yung tuxedo na suot nya! Tsk!    

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon