Chapter 57: Tension and Invitation
Rina's POV
"It's been a long time, JD. Hindi ko akalain na lalagay ka din pala sa tahimik. I never thought that you're the marrying type."
Tahimik lang ako dito sa may mesa habang nakikinig sa pagsasalita ni Susan.
Minsan, napapatingin din ako sa direksyon ni JD, looking for his facial reaction. But damn him for having that poker face sa harapan namin. Mas lalo tuloy akong kinakabahan kung ano ba ang iniisip nya ngayon.
Gaya nga ng nasabi ko na noon, JD can sense when I'm lying to him. At alam ko na alam na nya na may tinatago ako sa kanya. I obviously sell myself out while freaking out kanina nang makita ko si Susan.
Nakaupo sa harapan ko si JD habang nasa tabi naman nito si Third then Susan sa tabi ko.
This lunch was supposed to be with just the three of us pero nagkaroon kami ng hindi inaaasahang bisita which just add more tension sa loob ng sala ngayon.
Then I remembered Susan. Kaya pala mukha syang pamilyar kasi nakita ko na talaga sya noon. Siya yung babae na dinala ni JD noon sa bahay nila noong una kaming magkakilala. She's the girl who had sex with JD doon sa kwarto nito noon.
I don't want to admit this pero nakakaramdam ako ng kaunting selos para dito kay Susan. Her body, her face and natural blonde hair irritates me.
She's the ideal type of JD and I hate it!
Napapa-isip ako kung ano ba ang naging relasyon nila ni JD dati. Kung tapos na ba iyon o naghiwalay lang talaga sila dahil malayo sila sa isa't-isa. Kung saan ba sya nakilala ni JD and if JD has a feeling for this girl beside me.
Obviously, JD and Susan are not friends. Friends don't do sex like that.
Pero ang mas pinoproblema ko talaga ngayon ay si Susan mismo and what she knows about the Casa Mariposa. And she knows me...or maybe not.
Pero isa lang ang nasisiguro ko ngayon. She knows Black Rose at kapag nagtagal pa sya dito sa loob ng bahay, baka may masabi sya kay JD na hindi pa dapat nito malaman.
No, not now.
"We're not married." sagot ni JD matapos ng ilang sandaling katahimikan sa hapag-kainan. "We're just living together."
"So you're live-in partners huh?" biglang lumingon sa akin si Susan saka ito napangisi sa akin.
Mas lalo akong napayuko doon sa kinakain ko at nagconcentrate na lang doon.
Ewan ko ba pero bakit nainis ako sa paraan ng pagngisi sa akin ni Susan? Ano bang gusto nyang palabasin huh?! Anong ibig sabihin nya doon sa sinabi nya?
"I didn't say that." dinig kong sabi ulit ni JD. "Living together and live in partners were two separate things."
"And what's the difference then?" sagot naman ni Susan saka ito humarap ni JD. "We're live in partners too before, remember? You even bought a condo unit for us."
Nabitawan ko yung kutsara at tinidor na hawak ko sa narinig ko.
So iyon pala talaga ang relasyon nila noon? They're live-in partners? Saka ano daw?! Binilhan sya ni JD ng sarili nitong condo unit?! So ano 'to? Ginagaya din ako ni JD sa mga naging babae nya dati?
BINABASA MO ANG
My Jealous Stepbrother (Book 3)
Romance[MJS BOOK 3] JD wants revenge for what they did to Rina. But, as the new page of their story begins, someone from his past will come back and will ruin everything that he just started. New allies and old enemies. Love over trust. Betrayal over pass...