SPECIAL CHAPTER: VALENTINES DAY

86.3K 1.3K 120
                                    

SPECIAL CHAPTER: VALENTINES DAY

Rina's P.O.V

          Valentines Day. Ang pinakahihintay na event ng mga babae dito sa Westside.

          Why? 'Cause they will have the chance to give chocolates to their "ultimate" crushes.

          And who are they? Guess who?

          Ah you're right! The lame Trinity X! Well, except kay Prince Viel kasi deserve talaga sya na matawag na Prince. He's cool and sweet to Miss Hanna.

          "Hay Prince Viel..." sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana, sa may open field, kung saan dinudumog ang rest ng Trinity X ng mga kababaihan sa Westside. "Swerte talaga ni Miss Hanna sa'yo."

          "Really?"

          Nagulat ako nang may bigla na lang magsalita sa likuran ko. At sa paglingon ko, nakita ko ang nakangiting si Miss Hanna.

          "M-Miss Hanna!" gulat na sabi ko saka umayos ng tayo sa harapan nya. "A-Anong ginagawa mo dito?"

          Lunch break kasi ngayon. Puno ang canteen at iba pang free area ng Westside kasi sa hindi ko malamang dahilan—ay alam ko pala—dumami ang populasyon ng mga babae sa school namin ngayon. Hula ko nga taga ibang school pa yung ibang babae na nandito na nagsusuot lang ng uniform namin para masabing nag-aaral sila dito eh!

          At bakit nila ginagawa iyon? Dahil na naman sa (in)famous Trinity X!

          "You're not going to have some lunch?" nakangiting tanong nya sa akin sabay umupo upuan ng table ko.

          Ako nakatayo sa tabi ng bintana. Sya nakaupo sa upuan ko while looking at me.

          "Tapos na ko..." sabi ko na lang.

          Miss Hanna is well-known and well-respected dito sa school na ito for she is the first girl that got the Trinity X's attention. Especially, Prince Viel's attention. And she even become his girlfriend! She was even tagged as the Flower of Trinity X ayon na din sa mga naririnig ko sa mga tsimosa kong kaklase at schoolmates. Wala na yatang ibang alam na pag-usapan ang mga tao sa school na ito kundi ang Trinity X!

          At may bali-balita pa na gustong-gusto sya ni JD. I don't know if it's romantic or what. Basta the fact na nagustuhan sya ni JD makes her powerful sa school na ito.

          She has the control over the Trinity X and that makes her even more powerful.

          "May crush ka ba kay Viel?" tanong nya sa akin with teasing a smile and tone on her voice.

          "H-Huh?!" gulat na sabi ko. "W-Wala! Wala Miss Hanna!"

          "Hmmm..." napapatango na lang sya sa akin sabay napatayo at tumabi sa akin sa may bintana at pinanuod ang mga nagkakagulong babae sa labas. "Alam mo, hindi masamang magkacrush..."

          Napatingin ako sa mukha nya.

          'Grabeng ganda nya!'

          Kung naging lalaki siguro ako, inagaw ko na sya kay Prince Viel.

          "Ang masama, kapag nalaman ni JD na may gusto ka kay Viel..." sabi nya sabay harap sa akin at ngumiti.

          "HUH?!" paano napasok sa usapan namin si JD?! "Bakit mo naman nasabi yan?"

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon