Chapter 69: Courting Rina Part 3

64.8K 1.4K 369
                                    

DAMI TYPOS. DI NA-EDIT. HAPPY READING.

Chapter 69: Courting Rina Part 3

Rina's POV

Day 2

          "Alam mo hindi talaga ako makapaniwala doon sa ginawa mo noong isang araw!"

          Napangiti na lang ako sa sarili ko sa sinabi ni Nozomi.

          Siya nga pala, kakatapos lang naming i-take yung written exam namin. At so far, confident ako na makakapasa ako doon.

          Naka-motivate kasi sa akin yung paghampas ko ng bulaklak sa mukha ni JD eh! Sobrang gaan nang pakiramdam ko matapos kong gawin iyon kaya ayun! Naka-review ako nang maayos at masaya. Hindi ko lang sigurado kung mapi-perfect ko yung exam ko pero sa tingin ko naman maipapasa ko ang lahat ng iyon.

          Ngayon ang kailangan ko na lang simulan gawin at problemahin ay yung pagawa ko para sa final project namin.

          "Kumusta na pala yung gown mo Rina? Ayos na ba?"

          Bigla akong napahinto sa paglalakad saka ako humarap kay Nozomi.

          "Actually Nozomi," sabi ko. "Magpapasama sana ako sa'yo na bumili ng mga materials na gagamitin ko para gown ko."

          Kahit na medyo masakit sa akin na gawin yung dream wedding gown ko, gagawin ko na lang. Tutal naman gusto kong makatapos kaya I will sacrifice myself na lang ulit para lang makatapos ako.

          At isa pa, nami-miss ko na rin si Mama at Papa. I want to see them so bad. Gusto ko nang magbayad ng mga naging kasalanan ko sa kanila kaya titiiisin ko na lang muna ang last torture na ito para makabalik na ako sa kanila.

          Para makabalik na ako sa datin ako.

          "Oh sure! Yayain na rin sana kita na samahan ako eh! Naunahan mo lang ako!"

          Nagtatawanan kami ni Nozomi habang naglalakad kami palabas ng school.

          Hay! Hindi pa ako naging ganito kasaya sa tanang buhay ko mula nang makilala ko ang JD Villafuerte na iyon. At mahirap mang aminin pero siya rin ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon.

          I want to burst out laughing nang makita ko yung epic facial reaction niya dahil doon sa ginawa niya. I know he didn't expect that from me. Kahit nga ako hindi ko pa rin akalain na nagawa ko iyon.

          Sometimes hate is really a good motivator.

          "Oh! Oh! Someone is back for another trouble."

          Sandali akong napatingin sa mukha ni Nozomi nang bigla niyang ibahin yung usapan namin saka ako napatingin sa direksyon kung saan siya nakatingin ngayon.

          Biglang napataas ang kilay ko nang makita kong biglang pumarada—I mean humarang sa main entrance ng Westside yung pamilyar na sasakyan na gamit ni JD.

          And it didn't take a minute saka lumabas si JD sa sasakyan niya at naglakad papunta sa direksyon namin.

          He's now wearing a black shade. And as much as I hate to praise this beast, hindi ko pa rin maiwasan na hangaan yung porma niya at yung mukha niya. Psh! Okay! Forget what I said. I didn't mean to praise this monster.

          "Ano na namang kailangan mo huh? Hindi ka pa ba nadala sa ginawa sa'yo ni Rina noong nakaraang araw huh?"

          Si Nozomi na ang nagsalita para sa akin. Nakita ko na napatingin si JD kay Nozomi sandali saka niya binalik sa akin yung tingin niya.     

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon