Chapter 35: Back Home

72.4K 1.1K 241
                                    

Chapter 35: Back Home

Rina's P.O.V

          "Xander..." may voice sounds so unsure.

          "Kumusta Rina?" he lean closer, resting his forehead to mine. "How are you?"

          Bigla akong napalayo sa kanya para magkahiwalay ang mga noo namin saka ko sya tinitigan mula ulo hanggang paa.

          Hindi ako makapaniwala na nandito sya ulit ngayon sa harapan ko. Na makikita ko ulit sya.

          Noong huli naming pagkikita ay yung nasa loob pa sila ng brawl ni JD. Matapos noon wala na akong naging balita sa kanya noon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung okay lang ba sya? Kung napuruhan ba sya ni JD? Kahit na ano.

          Masyadong naging magulo ang buhay ko nang mawala sa akin si Xander. Hanggang sa hindi ko namalayan na hindi ko na pala sya naiisip. Na nawala sya pansamantala sa utak ko.

          Tapos ngayon nandito na ulit sya. Nakangiti. Nakatayo sa harapan ko.

          "A-Anong ginagawa mo dito?" hindi ko napigilang mautal sa pagtatanong ko.

          He smile. "Why? Hindi na ba ako pwedeng bisitahin ang ex-girlfriend ko?" binigyang diin nya yung salitang ex-girlfriend.

          Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya napatingin na lang ako sa likuran nya. Inaalam kung may iba pa syang kasama. Saka ko binalik ang tingin ko sa mukha nya.

          This feels so unreal. Seeing Xander right in front of me again feels good yet I know this is not the right time to have some chat with him.

          Lalong-lalo na ngayon na nasa berserk mode si JD. Hindi magiging maganda kung makikita sya ni JD dito sa labas ng mansyon.

          Things will be more chaotic once they saw each other again.

          "May kasama ka ba?"

          Hindi nya ako sinagot. He just look at my face for I don't know how long. Observing, looking for something.

          Then he smile again. "May kasama akong maliit na nilalang kanina."

          "Maliit na nilalang?" kunot-noong ulit ko.

          He nodded. "Oo. At alam mo hindi na ako magtataka kung paano naging anak ni JD ang batang iyon. They have he same attitude. Proud and rude."

          Nalilito ako sa mga pinagsasabi ni Xander sa akin. Then it hit me.

          "Kasama mo si Third?!" hindi makapaniwalang sabi ko saka napatingin sa likod nya ulit. "Nasaan sya? Nasaan?!"

          "Relax!" sabi nya saka hinawakan ako sa magkabila kong balikat. "He's fine. He escape on his own. That little devil is too smart for his own good."

          "Nasaan na sya?" tanong ko sa kanya.

          "Nasa loob na siguro sya. Sa likod ko sya pinadaan to give us a little—"

          Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Xander dahil mabilis na akong tumalikod saka nagbalak na bumalik ulit sa loob ng mansyon.

          Kaya lang nahinto ako sa pag-alis ko nang bigla na lang hawakan ni Xander ang isang kamay ko saka iyon hinila pabalik sa kanya, sa harapan nya.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon