Chapter 41: She's Back

77.7K 1.2K 147
                                    

Chapter 41: She's Back

Rina's P.O.V

          Magmula nang araw na muntik na kaming mahuli ni Papa, naging maingat na ako sa mga kinikilos ko. At hangga't maaari, hindi ako nagpapaiwan ng kasama si JD ng kaming dalawa lang sa bahay maging sa labas.

          Anong reaksyon ni JD? Malamang nainis sya sa mga ginagawa kong pag-iwas! Pero in the end, naintindihan naman nya yung rason ko kaya pumayag din sya katagalan.

          But knowing JD, hindi iyon marunong sumunod sa batas at ano mang inuutos sa kanya ng ibang tao. He has his own set of rules kaya minsan, we sneak out to kiss and make out.

          Mali pala. Walang "we". Sya lang pala. Dinadamay nya lang ako.

          Kaya sa bandang huli, hindi ko din sya maiwasan at mapigilan.

          Paano mo nga naman maiiwasan ang isang tao na kusa ng lumalapit sa'yo? And again, knowing JD, he's too forceful for his own good. Sarili nya lang ang laging nasusunod.

          "Hay..." mabigat na buntong-hininga ko saka nangalum-baba.

          Sya nga pala, nasa school na ako ulit. Kahit naman puno na ng mga problema ang utak       ko–ang pangalan ng problemang iyon ay JD Villafuerte–wala pa din naman akong choice kundi ang pumasok at mag-aral.

          At bumalik na naman ako sa una kong problema.

          Being a model for Xander's agency.

          Napatampal na lang ako sa noo ko.

          Paano ko haharapin ngayon si Xander ngayon matapos ko syang sampalin sa mukha noong nakaraan?! Hindi kaya gumanti sya sa akin at pag-initan nya ako habang nagtatrabaho ako as a model sa kanya? Hindi kaya pahirapan nya ako?

          Or worst, hindi nya ako bibigyan ng clearance na magiging dahilan ng hindi ko paggraduate?

          'Hindi! Sirang-sira na ako!' sigaw ko sa isip ko.

          "Settle down class!" biglang pumasok na sa room namin yung teacher namin at home room adviser na din. "May bago kayong kaklase."

          'Na naman?!' sa isip ko.

          Bakit ba uso sa Westside ang pagtanggap ng mga estudyante kahit na nangangalahati na ng semester yung pasok?

          Hindi ko na pinagtuunan ng pansin yung mga pinagsasabi ni Ma'am. Mas madami pa akong problema na kailangan isipin para pansinin pa yung bago naming classmate

          "Some of you may know her, especially my students last year." panimula ni Ma'am na umagaw ng atensyon ko.

          Medyo nagulat pa nga ako nang makitang nakatingin na sa akin si Ma'am saka ngumiti sya sa akin

          'Para saan iyon?' takang tanong ko.

          "She became one of the supermodel in Japan magmula ng umalis sya sa school na ito. I think her sudden filing for leaving the school has its good karma too, isn't it?"

          'Her? Supermodel? Japan?'

          Wala naman akong kilalang classmate ko noon na pumuntang Japan at umalis na lang bigla sa Westside na classmate namin ah!

          'Wait! Hindi kaya si...'

          Napatingin ako sa may pintuan saka ko nakita yung babaeng pumasok sa loob ng klase namin. Nakasuot pa sya ng shades kaya hindi ko pa sya namukhaan pero malakas ang pakiramdam ko na sya nga iyon.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon