Chapter 29: The Past Part 2

72.8K 1.2K 255
                                    

Chapter 29: The Past Part 2

[Flashback]

B.O.'s P.O.V

          "Sigurado ka ba dito Benedict?" nag-aalangang tanong nya sa akin.

          Ngumiti muna ako sa kanya saka huminto sa paghila sa kanya papalapit sa may tambayan namin.

          Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa magkabila nyang pisngi saka sya hinawakan at tinitigan ng derecho sa mata.

          "Ano ka ba? Wag kang kabahan! Sigurado akong magugustuhan ka nila!"

          "T-Talaga?" alanganing sabi nya.   

          Ngumiti ulit ako sa kanya saka mabilis syang hinalikan sa labi nya. "Oo naman! Girlfriend kita di ba? Kaya sigurado akong magugustuhan ka nila!"

          Matipid na lang syang ngumiti sa akin biglang tugon saka ko hinawakan yung kamay nya at hinawakan sya ng mahigpit.

          Nararamdaman ko yung kaba nya habang unti-unti kaming napapalapit sa mga nagkukumpulang kong kasama.

          Alam ko na hindi ko dapat sya dinala dito. Alam kong delikado sa tambayan namin dahil una, puro kami lalaki at pangalawa, nandito ngayon yung leader ng grupo, si JD.

          Kami nga pala ang KREUSIFIXS. Sikat kaming gang sa lugar. Kilala kami sa pagiging basag-ulo, madalas nagsisimula ng gulo at syempre, kilala kami kasi nandyan si JD.

          Si JD ang isa sa mga toughest fighter sa lugar namin. Wala pa akong nababalitaang napabagsak sya ng kahit na sino na mas malaki sa kanya o mas angat sa fighting experience sa kanya.

          Halimaw sya. Yung lakas nya hindi pangtao. Kaya nga oras na marinig ng mga tao yung tungkol sa gang namin, agad silang nagsisitaguan dahil na din sa ayaw nilang mabangga si JD.

          Alam ko na si JD lang talaga ang kinakakatakutan sa grupo namin. Pero, masasabi ko din naman na hindi kami basta-basta napapatumba. Malakas din naman ang ibang myembro namin. Sadyang mas angat lang talaga ng isang paligo sa amin si JD.

          "Mga tol!" malakas na tawag ko para maagaw yung pansin nila.

          Lahat sila sabay-sabay napalingon sa amin.

          Naramdaman ko yung biglang pag-atras nya dahil sa takot para sa mga kasama ko. Pero inilagay ko na lang yung isang kamay ko sa balikat nya saka sya inalalayan papasok sa loob.        

          "May ipapakilala pala ako sa inyo..." sabi ko saka inikot yung tingin sa paligid. Naghahanap. "Si JD?"

          "Busy." sagot ni Mark, isa sa ka-grupo ko.

          Napatango-tango na lang ako. Alam ko na kasi yung ibig sabihin nila na "busy" si JD. Ibig sabihin noon, may tinitira syang babae ngayon at walang balak magpaistorbo.

          'Si Susan na naman siguro...' sa isip ko.

          Iniling ko na lang ulo ko saka iniharap sa kanila yung kasama ko. "Si Sara nga pala. Syota ko."

          Lahat sila napatingin kay Sara mula ulo hanggang paa na para bang nilalamon na nila ng buhay yung girlfriend ko.

          "Oy umayos kayo huh?!" sabi ko saka iniyakap yung mga braso ko sa balikat ni Sara. "Sa akin lang! Walang sulutan!"

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon