Chapter 34: Escape and Stranger

77.7K 1.1K 226
                                    

Chapter 34: Escape and Stranger

Rina's P.O.V

          "You haven't seen him yet?! The f*ck!"

          Dinig na dinig sa buong mansyon yung malakas na boses ni JD. Lahat ng nasa loob ng bahay, mga magulang namin, mga kaibigan at mga katulong ay sobrang abala na sa paghahanap kay Third.

          Hindi naman maalis ang sunod-sunod na kaba sa dibdib ko tuwing may lalapit sa amin na isa sa mga nagprisintang maghanap kay Third saka nila ibabalita na hindi nila ito nakita.

          Para akong sinasaksak ng ilang beses tuwing maririnig ko ang masamang balita na hindi pa din nakikita hanggang ngayon si Third.

          Halos anim na oras na syang nawawala. Lahat kami hindi nakatulog sa pag-aalala at paghahanap kay Third.

          Inikot na namin ang buong mansyon saka yung malalapit na lugar na pwedeng pagdalahan kay Third, kahit sa Westside pero bigo pa din kaming lahat na makita sya.

          "Kumalma ka nga muna, JD." dinig kong sabi ni Renji saka nito inilagay yung isang kamay nya sa balikat ni JD.

          "Calm down?!" malakas na sigaw ni JD sabay hawi sa kamay ni Renji sa balikat nito. "How am I supposed to calm down huh?! My son is missing! My son is f*cking missing! In what way should I calm down with that huh?!"

          Itinaas na lang ni Renji yung dalawang kamay nya sa ere bilang pagsuko sa pakikipag-usap kay JD.

          He's too furious. Kanina pa nakakuyom yung kamay nya sa sobrang galit sa pagkawala ni Third. I think his anger was doubled than the anger he feels when I was the one who has been kidnapped.

          Sabagay, Third is JD's first son. At kahit na nga sabihing hindi talaga nya kadugo si Third, JD has this very strong connection towards Third.

          Kahit naman ako nagagalit din pero alam ko na wala namang magagawa ang galit ko. Hindi naman mahahanap ng galit ko si Third.

          Nagugulat pa nga ako how JD handle his anger too well. If he was still the same JD 4 years ago, malamang na nagwawala na sya ngayon sa loob ng bahay at nagbabato ng kung ano at sinasapak na lang ang kahit na sino bumangga sa kanya.

          Somehow, JD has matured. Yet, the anger in his eyes has still the same intensity by the way it was before.

          "Try to look for him again!" malakas na sigaw ni JD doon sa mga kaibigan nya. "We need to find Third or else I'll kick your asses off!"

          "Uy! Masaya yan!" nagawa pa talagang magbiro ni Renji sa ganitong sitwasyon.

          "YOU! SO START F*CKING MOVE, NOW!"

          At ilang sandali pa nga ay nagsialisan na yung mga kaibigan ni JD. Yung iba sa kanila ngayon ko lang nakita, tapos nandito din si Sun. Sila Mama at Papa naman ay tumawag ulit sa mga pulis, nagtatanong ng mga updates kung nahanap na ba nila si Third.

          Ngayon, kaming dalawa na lang ni JD ang naiwan sa gitna ng sala.

          "Damn it!" inis na sabi nya sabay sipa doon sa salaming mesa na nasa harapin nya.

          Wala na syang pakialam kung nabasag man nya iyon o hindi. Then the anger in his eyes intensifies.

          "JD..." sabi ko nang makalapit ako sa kanya saka ko kinuha ang isang kamay nya. "Huminahon ka muna pwede?"

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon