Kill The Feeling Or The Feeling Will Kill You

84 3 1
                                    

"Stephen, sali tayo sa Mirranda?"

Si Robin yun. At ang tinutukoy niyang Mirranda ay ang school paper organization ng school namin. Palibhasa aksidente niyang nabasa minsan yung notebook ko na sinusulatan ko ng mga tula na madalas kong ginagawan ng kanta. Kaya yun, di sinasadyang nagkaroon ako ng 'big fan.'

Kahit noon pa alam na nilang may kalamangan ako sa pagsusulat. Madalas akong purihin ng mga guro ko sa Filipino at English sa tuwing may recital kami ng sarili naming mga katha. Yun din siguro ang dahilan kung bakit ako nakakapasa sa exam kahit madalas sa hindi ay hindi ako nag-aral o absent ng nakaraang araw. Mahilig ba naman silang magpaquiz at exam ng essay.

Ilang beses na din akong inimbitahang sumali pero ilang beses din akong tumanggi. Pumasok nga tinatamad na ako, magdadagdag pa ng extra-curricular.

"Ayoko."

"Sabi ni Ma'am Rosanne sumali ka daw."

"Eh sa ayoko. May magagawa ba siya?"

"Ang tibay mo talaga. Gragraduate na tayo pero para ka pa ring bato."

Tignan mo ito. Naghihimok lang, nang-insulto pa.

Ang totoo kasi si Robin lang ang kayang magtiyaga sa ugali ko. At siguro ganundin ako. Madalas kasing napipikon ang mga kaklase namin sa mga hirit niya. Lalo na kapag kumakanta siya. Damang-dama. Buong-puso. Wagas. Na lalong ikinapipikon ng mga kaklase naming madalas babad sa mga libro. At hindi mo alam kung sinasadya ba niya o sadyang ganun lang siya.

Pero madalas ko namang ikinakatawa iyon. Kaya din siguro naging magkasundo kami. Dahil alam kong nagagawa niyang sirain ang mood ng mga kaklase ko at para sa kanya ay okay lang iyon dahil meron pa rin namang ako na simula pa lang eh bwisit na sa kanila.

"Ang totoo, gusto ko din sanang sumali. Photo journalist."

Natawa ako. Yun naman pala.

"Nandadamay ka pa ah. Sarilinin mo na lang yan."

"Pero ang cool kaya pag kasama ka. Para may buddy ako. Saka hindi pa naman sure kung makakapasa tayo."

"Busy ako."

"Busy??? Kelan ka pa naging busy sa buhay? Petiks ka nga diyan."

"Nagpreprepare kami nila Shawn para sa Litmus Festival. Bitter pa rin ang mokong dahil kay Cristine."

"Ibig mong sabihin tutugtog kayo???"

Hindi siya makapaniwala. Ako din naman. Hanggang ngayon nga umaasa pa din akong magbabago ang isip ni Shawn.

Tumango lang ako.

"Cool. Sama mo nga ako diyan. Kahit second voice lang."

Tinawanan ko siya. Frustrated singer talaga ang loko. Kanta ng kanta kahit nasa loob ng classroom.

"Magphoto journalist ka na lang."

"Eh di sumama ka din. Saka two months pa yun. Eto bukas na 'to. Saka nandun si Ali."

Saglit akong natigilan. Malamang galit sa akin ngayon yung babaeng iyon dahil inaway ko siya kahapon. Eh nakakapikon na din kasi.

"Bahala na bukas. Kapag sinipag akong mabuhay."

Bahagyang nagliwanag ang mukha niya. Alam niya din kasing ugali ko. Pag ayaw, ayaw talaga. Pero pag susubukan o bahala na, pwedeng oo.

"Basta Stephen matulog ka ng maaga mamayang gabi saka kumain ka bukas ng marami. Mag-overnight ka kaya sa bahay namin? Pagsisilbihan kita para siguradong sisipagin ka bukas."

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon