Look how the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah, they were all yellow
I came along
I wrote a song for you
And all the things you do
And it was called yellow
So then I took my turn
Oh what a thing to have done
And it was all yellow
Your skin, oh yeah, your skin and bones
Turn into something beautiful
You know, you know I love you so,
You know I love you so...
Natigilan ako sa pagkakamot habang naghihintay ng turn namin para sa presentation ngayong umaga sa Buwan ng Wika.
Kasalukuyang nagpeperform ang banda ni Stephen sa stage. At lahat ay halos nakatanga habang nakikinig sa kanila. Pero wala na yatang pinakanaaapektuhan ng kantang yun ngayon kundi ako.
Bakit yung kantang iyon? Bakit Coldplay? Di ba ang sabi ko noon sa kanya kantahin niya sa akin yun? So anong ibig sabihin nun? Ako ba yung kinakantahan niya? Parang hindi naman. Bakit yun ngayon ang tinutugtog nila?
Hayyy. Isang araw magigising na lang akong nababaliw kakaisip ng mga ginagawa ni Stephen. Na kung tutuusin eh hindi naman dapat ako naaapektuhan dahil wala namang meron sa amin. Ni wala na nga siyang pakialam sa akin.
Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kahit yung mga munting bagay tungkol sa kanya napapansin ko na? Nababaliw na yata ako.
I swam across
I jumped across for you
Oh what a thing to do
Cause you were all yellow
I drew a line
I drew a line for you
Oh what a thing to do
And it was all yellow
Your skin, oh yeah, your skin and bones
Turn into something beautiful
And you know, for you I'd bleed myself dry
For you I'd bleed myself dry...
"Grabe Ali. Ang gwapo talaga ni Stephen 'no? Nakakakilig yung boses niya. Nakakapang-init. Lalo tuloy akong nangati at nainitan sa suot natin."
Bigla'y para akong nagising mula sa panaginip nang tapikin ako ni Kia matapos ang pagtugtog na iyon ng banda ni Stephen.
Pagbaba nila sa stage ay nagsimula na kaming maghanda para sa presentation namin. Ako na ang nagbuhat sa dalawang kawayan na gagamitin namin.
"Ali, ayos yang presentation ninyo ah. Bagong-bago."
Napalingon ako kay Shawn. Kahit kelan talaga asar itong lalaking ito.
"Tinikling? Bago ba yun?"
Isa pa itong si Carl. Tumawa din si Tim.
Pasalamat kayo naging kaklase ko kayo. Mga bwisit.