First Part - Ending

51 1 0
                                    

Monday morning. Flag ceremony.

Katatapos lang i-announce ang mga nanalo sa naganap na botohan ng student council election nung Friday.

Pagkatapos ng eleksyon at may nanalo na, paniguradong balik na naman sa dati ang lahat. Lalo na yung mga tumatakbo na akala mo kung sinong magagaling at banal na magaling mangako. Typical politicians in the making.

Nanalo yung partido ng kabilang section.Landslide victory. Muntik nang ma-straight kung hindi lang nakalusot yung first year representative na kapartido nila Kia.

Syempre iba ang mood ngayon ng school. Parang sobrang hopeful sa mga mangyayari ngayong school year dahil sa nabaling tradisyon ng pagboto. Marami ang namangha sa naging resulta. Na talaga namang nakaka-amaze.

Malaking sampal ito sa section namin. Biruin mong dalawang partido pa ang nagmula sa amin pero tinalo lang ng second section. Mabuti nga iyon nang mawala ang mga kayabangan nila. Akala mo kung sinong magagaling.

"Stephen, practice tayo mamaya ah. Next, next week na iyon."

Si Shawn. Magkatapat lang kami ng linya at bakas ang tuwa sa mukha sa pagkapanalo ng kaklase niya.

"Oo naman. Hindi tayo nakapagpractice kahapon saka nung Saturday."

"Kita na lang tayo mamaya. Mukhang babaha ng luha sa classroom ninyo ah."

Natawa ako. Tumingin sa kanya ng hindi maganda yung mga kaklase namin.

"Gago. Asar."

Nauna na silang naglakad pabalik ng room habang hinihintay namin yung turn ng section namin. Bakas sa mukha ng mga talunan kong kaklase ang pagkatalo. Kahit si Kia mukhang apektado. Pero si Ali, nakangiti pa rin.

Pilit lang iyon. Peke talaga.

Natapos ang isang buong linggong naging normal ang lahat. Nagmove on ang mga talunan habang naging busy ako sa pagprapractice sa nalalapit na Litmus Festival. Hindi ko rin alam kung anong espirito ang sumapi sa akin at naging focus akong mag-aral. Ni hindi ko naisip mag-absent. Sa katunayanan, ngayon ako nagkaroon ng interes sa mga tinuturo sa amin. Hindi ko alam. Pero ang alam ko, meron akong gustong patunayan. Sa sarili ko at sa sarili ko na lang.

Dumating ang sumunod na linggo. Exam week. Natigil ng tatlong araw ang practice. Nagreview-reviewhan. At nakapag-exam nang hindi nagkakamot sa ulo.

Balik sa practice. Nagseryoso. Tumugtog nang paulit-ulit hanggang sa halos maperpekto ang tyempo. At ngayon, naghahanda para manalo.

   

   

If it makes you less sad

I will die by your hand

I hope you find out what you want

I already know what I am

If it makes you less sad

We'll start talking again

You can tell me how vile

I already know that I am

I'll grow old

Start acting my age

I'll be a brand new day

In a life that you hate

A crown of gold

A heart that's harder than stone

And it hurts a whole lot

But it's missed when it's gone

Call me a safe bet

I'm betting I'm not

Glad that you can forgive

Only hoping as time goes

You can forget...

May mga nagsisisigaw. Oo, maganda ang boses ko. Magaling kami. Pero wag OA.

Mula sa crowd ay nahuli ng paningin ko si Cara. Nakangiti siya habang pinapanood ako. Hindi ko alam kung alam niyang sa kanya ako nakatingin pero nginitian ko siya.

Kelan lang nung muli kaming nagkita. At kagabi lang magkatext kami. Ang sabi niya excited daw siyang mapanood ako. Hindi niya inakalang kumakanta pala ako. At ngayon nga ay tutugtog pa sa harap ng mga kapwa ko estudyante.

  

   

If it makes you less sad

I'll move out of the state

You can keep to yourself

I'll keep out of your way

And if it makes you less sad

I'll take your pictures all down

Every picture you paint

I will paint myself out

It's cold as a tomb

And it's dark in your room

When I sneak to your bed

To pour salt in your wounds

So call it quits

Or get a grip

Say you wanted a solution

You just wanted to be missed

Call me a safe bet

I'm betting I'm not

Glad that you can forgive

Only hoping as time goes

You can forget...

    

      

  

   

"And this year's winner to represent our school in District School Competition is... Megaboom!"

Nagpalakpakan ang lahat. Nagdiwang sila Shawn. Ako din masaya. Hindi ko akalaing kaya ko palang manalo. Na kaya ko palang lumaban. May silbi din pala ako sa mundong ito. At mukhang tama si Cara. Ngayon unti-unting nagiging exciting ang buhay ko.

Sobra din ang pagsisigaw ni Robin. Nakakahiya ang mokong. Mukhang natutuwa din yung mga kaklase ko para sa akin. Biruin mo yun.

Kahit sila Ma'am Rosanne at syempre yung adviser namin na si Ma'am Cleo na kelan lang nangungunsumisyon sa mga absences ko.

Sulit ang lahat ng sacrifices. Ganito pala yung pakiramdam. Ang sarap. Ibang-iba pala yung pinaghihirapan kesa basta-bastang nakuha mo lang.

Heto na yun. Wala na akong masabi. Basta, heto na yun.

    

   

      

  

****

The Boy Who Blocked His Own Shot - Brand New

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon