Second Part - Allison

51 1 0
                                    

SECOND PART - ALLISON

Hindi ko alam kung bakit ayaw ko noon sa kanya. Basta ang alam ko, tamad siya, absenero at sobrang hambog pa.

Kahit nung first year pa lang umiiwas na ako sa kanya. Although noon sobrang close niya sa mga kaibigan niya at madalas silang nagtatawanan, hindi ako kailanman lumapit sa kanya. Hindi lang naman dahil hindi ko gusto yung ugali niya, nahihiya din kasi ako sa kanya.

Kahit gustuhin ko man na mapalapit sa kanya, lagi naman akong inuunahan ng hiya at awkward feeling. Basta kapag nandiyan siya at alam kong posibleng nakikinig siya sa pinag-uusapan namin ng mga kaibigan ko, parang nakakaramdam ako ng uneasiness. Parang nako-conscious ako. Lalo na kapag nahuhuli ko ang mga tingin niya. Feeling ko matutunaw ako. Hanggang sa na-realize ko na lang isang araw na crush ko na siya.

Akala ko nawala na iyon sa paglipas ng tatlong taon. Pero hindi ko kailanman inakala na muli kong mararamdaman iyon. And this time, mukhang mas matindi pa.

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon