Random People, Random Feelings

58 1 0
                                    

"Stephen...?"

Napangiti ako. Siya yun. At kilala niya pa ako.

Naglakad siya palapit sa akin. Ang sabi ko kanina gusto kong mapag-isa. Kaya nga tinakasan ko si Robin matapos ang Novena mass. Nakakairita na ang loko.

"Nag-iisa ka dito."

Turan niya nang makalapit siya at tumabi sa akin. Kasalukuyan kaming nasa bleacher paharap sa football field. Dito talaga ang tambayan ko kapag gusto kong mapag-isa. Wala kasing madalas na nagagawi dito maliban na lang tuwing Friday at may interschool game.

"Lalo kang gumanda."

Natawa siya. Lalo ko lang namalas ang matamis niyang ngiti. Pati na rin ang pagkislap ng kanyang mga mata. Maging ang pagsayaw ng kanyang kulot na buhok sa samyo ng malamig na hangin.

"Bolero ka pala."

"Hindi 'no. Honest 'to."

Natawa ulit siya.

"Bakit ka nga nandito?"

"Wala lang. Nagpapaka-emo siguro."

"Kaya lalo akong naku-curious sa'yo eh."

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Nakatingin siya sa akin.

"Wag kang papadala sa curiosity mo. Lalo na kapag ako."

Natawa siya.

"Ganyan ka ba talaga? I mean, don't you really have friends?"

"Friends? Meron. Pero mas marami siguro ang galit sa akin. Especially mga teachers..."

Natawa ulit siya.

"Eh ikaw? Bakit ka nandito?"

"Kasi nandito ka."

Straight to the point.

"Baka may magalit. Isipin nila nagde-date tayo tapos bigla na lang akong sugurin dito."

Muli siyang natawa. Saka siya umusog pa ng malapit sa akin.

"Kung wala bang magagalit yayayain mo akong magdate?"

Ako naman ang natawa ngayon. Lakas ng babaeng ito ah. Ibang-iba talaga siya.

"Oo naman. Basta ba ikaw magbabayad."

Natawa na naman siya.

"Akina yang kamay mo."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi ko pa man nailalahad ang kamay ko ay kinuha na niya.

Naglabas siya ng ballpen mula sa bag niya. Saka may kung anong isinulat sa palad ko.

0915924......

"Let's keep in touch."

Saka siya ngumiti. Napangiti din ako. Ayos to ah.

"Ano 'to?"

"Anong ano 'to? I like you Stephen. Hello, isn't it obvious?"

Ikaw na Stephen. Oo, ikaw na.

"Ikaw na lang magtext sa akin."

Turan ko. Konting pagpapa-cute lang.

"Hey. Ako nang gumawa ng first move. Use your balls."

Napamaang ako. Gamitin ko daw sa kanya ang balls ko. Okay. Napangiti ako sa ideyang iyon.

"Okay. Sabi mo eh."

Napangiti kami pareho.

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon