If You Never Try You'll Never Know

90 1 0
                                    

When you try your best

But you don't succeed

When you get what you want

But not what you need

When you feel so tired

But you can't sleep

Stuck in reverse

When the tears come down

Streaming down your face

When you lose something

You can't replace

When you love someone

But it goes to waste

Could it be worse

Lights will guide you home

And ignite your bones

And I will try to fix you...

"Wow. Dapat sumali ka sa Litmus."

Yun ang mga salitang bumasag sa sandaling katahimikan matapos kong kantahin ang audition piece ko ngayon para sa screening ng choir.

Tumingin ako sa reaksyon ng iba. At natawa ako. Literal na nakanganga sila. Kahit si Ali na hindi man lang ako pinapansin mula pa kaninang dumating ako dito sa music hall kasabay si Robin.

"Sasali sila sa battle, Sir."

Si Kia. Bigla na lang sumasabat.

"Really? You should join, sayang ka. But are you sure gusto mo talagang sumali sa choir? I know you Stephen."

Natawa ako sa huling sinabi niya. Who does not know Stephen? Kahit yung mga hindi ko naging teachers o yung mga office staff lang alam ang reputasyon ko sa school na ito.

Tinignan ko si Kia. It's all because of doing her a favor kaya ako nandito.

Tumango-tango siya at bakas sa mukha niya ang pagmamakaawa.

"I think what happens here does not happen inside the classroom. That's what I'm sure of."

Ngumiti si Sir Migs.

"Mukhang magkakasundo tayo. Well, welcome aboard. You are now a member of De Lima Chamber."

Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano. Stephen ano na naman itong pinasok mo?

"Woooohhhh!!! Congrats to the both of us Bestfriend Stephen!"

Napailing ako sa sigaw na iyon ni Robin. Panira. Nagtawanan naman ang karamihan sa kanila. Palibhasa nakapasa din.

Umupo ako sa tabi nila Kia at Robin habang hinihintay ang susunod na sasalang.

"Ang galing mo Stephen. Grabe, I'm so proud of you."

Si Kia. Halatang proud dahil siya ang nagrecruit sa akin.

Nilingon ko si Ali na nakaupo sa tabi ni Sir Migs.

Siniko ako ni Robin.

Tinignan ko siya. Inginuso niya si Ali. Hayyy, nakakahalata na ang loko.

"Walang masama kung susubukan mo."

"Ang ano?"

"Stephen pati ba naman sa babaeng nagugustuhan mo, ego pa rin ang mangingibabaw sa'yo."

"Tigilan mo ako Robin."

"Just do it, bro. Pakawalan mo yang sarili mo sa ego mo, malayo ang mararating mo."

Napailing ako. Hindi talaga titigil.

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon