Don't Make Me Hurt You

25 1 1
                                    

September. District Meet.

Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo ngayon matapos i-declare ng officiating finisher na ako ang nanalo sa freestyle event ng swimming competition. Dagdag gold medal na naman ito sa team namin at syempre sa school.

Kapag nag-first place pa naman ang school namin ay may all-expense paid trip kami somewhere.

"Galing mo talaga Ali. Sana maka-gold din yung iba."

Si Miss Lizzy. Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na tuwa sa pagkakasungkit kong iyon sa gold medal. Apat na event na kasi ang natatapos at nakaisang silver at isang bronze na kami. At kung kanina ay may isang gold pa lang kami, ngayon nga ay dalawa na.

Itetext ko agad-agad sila Kia nito. Kung bakit naman kasi sa kabilang bayan pa ang host school sa taong ito. Hindi tuloy sila nakapanood.

"Ali ang galing mo. Sana maka-gold din ako."

Nginitian ko lang si Cara na ngayon ay katabi ko nang nakaupo sa bench na inilaan sa team namin.

"Kaya mo yan. I-gold mo para manalo tayo."

"Sana talaga. Anyway thanks sa encouragement. Sayang nga hindi makakapanood sila Stephen. Busy kasi yung mga yun eh. Sa isang bukas na yung sa kanila."

"Wala ka din bang kasamang nagpunta dito? I mean yung mga parents mo?"

"Hiwalay na yung mga parents ko. May kanya-kanya na silang pamilya. Si Mom nasa States. Sa kanya ako nakatira pero sa ngayon nasa lola ko ako tumutuloy dito sa Philippines. Tapos si Dad naman nasa Australia na."

Ewan pero parang ngayon ko lubos na naintindihan si Cara matapos kong marinig iyon sa kanya. Hindi talaga perpekto ang mundo. Kaya pala ganyan siya.

"Nakakausap mo pa naman yung Dad mo?"

"Oo. Daddy's girl kaya ako. Biruin mo noon, akala ko ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundo dahil perpekto ang family ko, tapos sa isang iglap, kailangan ko nang mamili kung kanino ako sasama."

Tumawa siya ng mapakla. Ang lalim din pala ng pinanggagalingan niya.

"At least ikaw nakausap mo pa siya. Saka nagkaroon ka ng chance na maranasan na magkaroon ng perpektong pamilya. Eh ako nga buong buhay ko kailangan ko pang may mapatunayan sa tatay ko para lang matanggap niya ako."

Ipinatong niya ang palad niya sa balikat ko. At damang-dama ko ang sincerity niya.

"Ganyan talaga ang buhay. Pero kahit gaano pa kadrama ang mga pinagdadaanan natin, wala eh, kailangan pa din nating maging masaya. Because at the end of the day, whatever reasons we have that make our life incomplete, it will always be the happiness that will fullfill what's lacking."

Nginitian ko siya. Ngayon alam ko na kung bakit nasabi ni Stephen na iba si Cara. Ibang-iba nga siya. Feeling ko nga mas marami pa siyang alam sa akin. At yun yung mga bagay na hindi natututunan sa loob ng classroom.

"You know what, naiinis na ako kay Ma'am Kalikasan."

Natawa ako. Sino bang estudyante ang hindi naiinis sa kanya? Kahit naman ako 'no.

"She will always check my nails and even every single pore on my face just to make her sure that i don't wear nail polish and makeup."

"Baka sobrang nagagandahan lang sa'yo."

"Dati kasi naglalagay ako ng konti. Pero nung pinagbawalan na ako ni Stephen hindi na talaga ako naglalagay. Tapos ang kulit pa rin niya."

"Ganun lang talaga yun. Masyadong conservative."

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon