To be my serene
Tell me you know what I mean
You've set on me, but you are not the sun
You are not the sun
Outside your cold lips again
You set on me, but you are not the sun
You are not the sun
Just pretend that you love me,
And be my babe
Would you be my babe?
Would you be my babe?
Would you be my babe?
Would you be my babe?
Would you be my babe?
Would you be my babe?
Would you be my babe?
Would you be my...
Nakakabingi. Grabe. Obvious na nadala ng mga hitsura ng banda nila Shawn kaya kahit yung mga estudyante ng ibang school ay grabe kung magtitili habang nagpe-perform sila.
Lalo na si Stephen. Ang gwapo niya na naman ngayon. Lalo lang siyang gumagwapo kapag kumakanta siya. Ang gwapo niya talaga.
"Tarts, grabe ang gwagwapo nila. Lalo na si Stephen ko."
Nginusuan ko lang si Kia. Masyadong carried away sa kagwapuhan nila. Buti na nga lang kaagad siyang pumayag. Pero heto't nakasabit din si Robin. Hindi ko alam diyan, number one fan talaga ni Stephen.
"Ang gwapo ni Stephen 'no Ali?"
Nilingon ko ang katabi kong si Cara. Tinanguan ko siya saka ngumiti. Oo na. Gwapo na yung boyfriend niya.
"Megaboom!!! Ampopogi ninyo. Sali n'yo naman ako diyan!!!"
Napailing kaming tatlo sa sinigaw na iyon ni Robin. Nakakahiya talaga siya.
"Thanks for the warm reception, guys. This is now our final song and we hope you enjoyed watching us."
Turan ni Stehen matapos ang contest piece nila na ikinatili na naman ng mga taong nanood. Grabe, ang laki na talaga ng pinagbago niya. Sobrang laki. At kung kelan naman nangyari iyon ay saka naman hindi na ako parte ng buhay niya.
Desperate for changing
Starving for truth
I'm closer to where I started
I'm chasing after you
I'm falling even more in love with you
Letting go of all I've held on to
I'm standing here until you make me move
I'm hanging by a moment here with you..
Pakiramdam ko matutunaw ako ng mga oras na iyon. Bigla'y nanikip ang dibdib ko at tila nahirapan akong huminga. Bakit luma-Lifehouse sila ngayon? Akala ko ba ayaw niya sa Lifehouse. Saka hindi naman nila tinugtog yun nung nandun ako sa practice session nila.