Nobody Plans To Be Half A World Away

55 1 0
                                    

"Stephen..."

Natigilan ako sa paglalakad. Isang linggo na ang nakalipas mula nang huli kaming mag-usap ni Ali. Umuwi na ako noong linggo matapos naming balikan sila Kia.

Naging busy na din sa pagprapractice kasama sila Shawn. Malapit na din ang Litmus Festival. At kung papalaring manalo kami ang magrerepresent ng school sa district meet. At kung papalarin pang manalo ay aabot sa provincial meet.

Busy na din siya sa election ng student council. Ang nakakatawa pa, kasama sa partido niya si Jordan bilang third year representative.

Ang hirap na ngayong maging bato. Pag siya na ang pinag-uusapan lagi na lang akong naaapektuhan. Ilang araw ko na siyang iniiwasan para lang mawala ang nararamdaman kong ito. Pero bakit parang mas tumitindi pa yata yung nararamdaman ko kakaiwas sa kanya? Nakakainis na. Lagi na lang nakabuntot itong pakiramdam na ito.

Nilingon ko siya. Kagagaling ko lang sa school clinic matapos dumugo yung ilong ko kanina sa kalagitnaan ng PMT subject namin. Dala lang daw ng init ng panahon. Ilang minuto ba naman kaming nakababad sa field sa ilalim ng matinding sikat ng araw kakapractice ng arnis. Di bale may practice ng choir bukas. Makakapagpahinga din.

"Akala ko ba okay na tayo?"

"Okay naman tayo. Bakit?"

"Eh bakit parang umiiwas ka na naman?"

Lumapit ako sa kanya. Pinagmasdan ko muna ang mukha niya. Bakit ganito siya? Bakit siya?

"Hindi kaya. Masyado ka lang busy. Ano namang gusto mong gawin ko? Agawin yung atensyon mo?"

Napayuko siya. Waring may gustong sabihin. Pero sa huli'y napailing. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Pero huminga siya ng malalim.

"Oo nga. Sorry."

"Anong sino-sorry mo? Magfocus ka kaya sa mga goals mo. Hindi yung kung ano-ano kasing inaatupag mo. Wonderwoman ka talaga eh."

"Bakit nag-aaral naman ako ah? Ano pa bang ibang inaatupag ko?"

Kunwari pa.

"Hoy, Allison. Kapag aral, aral lang."

Natawa siya.

"Akala mo kung sinong magsalita. Pa-cute."

"Hindi ako nagpapa-cute sa'yo. Ang sinasabi ko lang masyado ka nang maraming gusto sa buhay. Wag mo namang pagsabay-sabayin lahat. One step at a time."

"Bakit? Focus naman ako sa mga goals ko ah. Saka hindi ko naman pipilitin ang sarili ko pag hindi ko na kaya."

Tinignan ko lang siya. Mukha namang seryoso siya sa mga sinasabi niya.

"Matalo ka sana."

Umasim ang mukha niya. Natawa ako.

"Ang sama mo. Iboto mo ako."

"Basta galingan mo para hindi kita tawanan."

"Ang gusto mong sabihin, goodluck. Kunwari ka pa."

Tumawa ulit siya. 'Eto yung tawang hindi ko naa-appreciate dati. Pero ngayon, grabe. Halos hindi ka makahinga. Parang may kung anong natutunaw sa loob mo na sa paglipas nito ay titigil ang pagtibok ng puso mo.

"Ali-alipin."

Nangunot ang noo niya.

"Anong sabi mo???"

"Sa sobrang sipag mo bagay na bagay na sa'yo yung pangalan mo."

Hindi siya kaagad tumugon. Wari'y saglit na nag-isip.

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon