"Ali, nabasa mo na ba yung sinubmit na poetry ni Stepehen?"
Tinignan ko lang si Leila. Kasalukuyan kaming abala sa finishing touches para sa unang publication ng Mirranda.
"Parang may sinasabihan siyang girl dun sa tula. Sigurado kikiligin ang buong school pag nabasa nila yun."
Ang OA naman. Para tula lang. Si Cara lang naman iyon.
"Tinanggap ba ni Ma'am Rosanne?"
"Oo naman no. Kinikilig pa nga kanina. Iha-highlight nga daw sa feature section yung tula niya."
Pati si Ma'am nakikisali. Ang tanda-tanda na niya.
"Okay. Patapos na din yung pahabol na article na ginagawa ko. Ipapabasa ko na lang din niyan kay Ma'am Rosanne."
"Nakakapagod no?"
Natawa ako sa sinabi niya. Nakakapagod na nga. Nakakapagod na talaga.
"Di bale, sulit din naman lahat pag lumabas na yung first publication."
"Oo nga. Excited na ako."
Nagtawanan pa kami. Pagkuwa'y tumambad sa akin yung poetry na sinasabing gawa ni Stephen.
"Slave"
by Stephen Aloysius D. Martinez
How come you can still say you're okay
You are not the sun
You're just a butterfly
In my stomach
For all those walks we made in the rain
I was not a raincoat
I'd like to cover your body
While we talk
Yours was the ugliest crying of all cryings
You are not the rain
You're just a rainbow
In my dreams
You're more than just a precious memory
A one second worth
Forever a quality
Of brain's history
Once you're a flower with morning thorns
And I was just a falling leaf
Now waking up late at night
So the sunset now is over...
Sabi nila, wala daw yan sa lalim ng mga salitang ginamit kundi sa lalim ng mismong mensahe ng isang katha. Kung ano ang ikinalalim ng mensahe ng tula, yun din ang ikinalabo ng pamagat nito.
Slave. Bakit slave? Ayokong mag-assume. Pero bakit parang ako yung tinutukoy niya?
I am not the sun. I am not the rain. I am just a rainbow. In his dreams. Eh ano yung slave?
Tumigil ka Allison. Si Cara iyon. Naku, may makaalam lang ng iniisip mo ngayon siguradong pagtatawanan ka nun.
"Ano, okay ba sa'yo yun, Ali?"
Si Andre. Kasalukuyan kaming nagshu-shoot ng eksena sa rooftop. Ilang oras matapos magring ang bell hudyat ng uwian. Sinakto yung scene sa paglubog ng araw.
Sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako kahit hindi naman totoo yung magiging kissing scene namin ni Kevin.
Napalunok pa ako ng ilang ulit. Natutuyuan yung lalamunan ko. Grabe.