Not Moving On, Not Moving Forward, Just Moving

21 0 4
                                    

Palabas na ako ng faculty room kung saan nagpasama sa akin si Ma'am Susanne para ibilin ang magiging activity namin para bukas dahil mawawala ito nang humarang sa dinaraanan ko si Shawn.

Tinignan ko lang siya. Really, Shawn?

"Can we talk please, Ali?"

Nauna akong naglakad patungo sa kabilang school gate kung saan walang estudyante ang nakatambay.

I need to at least hear his explanation. Nanliligaw pa lang naman siya. It's not yet cheating, right?

"I'm sorry."

Panimula niya nang sabay kaming naupo sa bleacher.

Nanatili lang akong nakatingin sa quadrangle at pinapanood ang mga first year na kasalukuyang nagprapractice ng magiging presentation nila sa Christmas party.

"I-i'm really, really sorry. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo. I thought I need time before I tell you."

Nilingon ko siya. Sayang. He could've been a great boyfriend.

"I thought I really moved on. I was ready to move on from her even though it's been a year since we broke up. But one day, bigla na lang siyang nagparamdam telling me she still loves me. I tried to ignore her thinking she's just coming back because our band got famous. Pero hindi ko talaga kayang tiisin si Cristine eh. I like you, Ali. But I love her. I still love her."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Siguro naman deserve ko na ipaalam niya muna yun sa akin bago niya hinawakan ang kamay ng Cristine na yun sa school na di man lang niya inisip na pwede ko silang makita.

"I thought you're a good guy, Shawn. You even told me dalawang beses kang niloko ng babae. I told you not to pursue me but you insisted. Takot akong masaktan ulit. Takot akong mapamukha na naman sa akin ng mundong 'to na I will never be enough."

Tinignan ko ulit siya at hindi ko maitago ang sama ng loob ko.

"At least deserve ko rin naman na malaman muna ang tungkol sa inyo bago mo man lang sana hinayaan ang ibang tao na makitang kayo na ulit di ba?"

Napayuko siya.

"I still feel I was cheated kahit hindi naging tayo. I felt betrayed. And I felt worthless."

Bago pa tuluyang bumagsak ang mga namumuong luha sa mgata mata ko ay iniwan ko na siya. Hindi ko alam kung yung puso ko lang ba ang nasaktan o maging yung buong pagkatao ko. Ang laki na nga ng issue ko sa tatay ko tapos ganito pa ako ipagpalit ng mga taong umasa ako.

   
   
    
    
  
Gabi na nang makauwi ako sa bahay.

Kaagad ako yumakap sa likod ng mama ko habang busy siyang nagluluto.

Hinawi niya ang hawak niyang sandok na nakalubog sa niluluto niyang tinola saka bumaling sa akin.

"Heart break na naman ba 'yan?"

Ano pa bang pwede kong itago sa kanya? Nung niloko ako ni Jordan sinubukan kong wag sabihin sa kanya pero alam kong ramdam niya sa mga kilos ko kaya hindi rin ako nakatiis noon at nag-iiyak ako sa kanya.

Tapos ngayon, heto na naman. Hindi ko alam kung iiyak ulit ako. Mabigat na mabigat ang loob ko. Nakakatakot naman yatang magmahal. Kung nanliligaw pa nga lang eh nagagawa na akong lokohin paano pa kaya pag sinagot ko na.

Umupo kami sa dining chair.

"Alam mo naman na hindi kita pinagbabawalan pagdating diyan kasi nagtitiwala ako sa'yo. Pero kung ganyang lagi ka na lang nasasaktan, anak siguro wag mo munang pasukin yan."

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon