My Tongue Is The Only Muscle That Works Harder Than My Heart

50 1 0
                                    

Haaaaay. Lakas ng ulan. May brokenhearted na umiiyak.

Pahirapan na namang makauwi nito. Basang sisiw na naman pagdating sa bahay.

Kung bakit kasi nagyaya pang lumiko dito sa mall yung mga ugok na sila Shawn imbes na magpractice. Tapos ngayon nauna pang nakauwi ang mga loko dahil sa lintik kong backpack na naiwan dun sa Greenwich kanina.

"You're here."

Nilingon ko ang may ari ng boses na iyon. Saka ako napangiti.

"Cara."

"Mag-isa ka na naman."

"Nauna na yung mga kasama ko. Ikaw bakit mag-isa ka?"

"Tinakasan ko yung mga kasama ko. Pauwi ka na?"

"Sana."

"Lakas ng ulan. Coffee muna tayo."

"Basta ba libre mo."

"Napaka-ungentleman. Pero sige."

Napangiti ako. At lalo pang tumamis ang ngiti niya.

"Baka babalik na din ako sa America pagtapos ng school year."

"Hindi mo na patatapusin makagraduate? Sayang naman one year na lang."

"Wala din namang kaso pagbalik ko dun. Baka uulit din ako. Baka nga hindi ko pa maipasa ang school year na ito."

"Tamad ka din pala. Kaya siguro gusto mo ako. Idol mo siguro ako no?"

Natawa siya.

"Hindi ako tamad. I just want to be happy. High school life has so much fun to offer. Front lang talaga yung pag-aaral."

"May kakikilala akong opposite mo. Yung taong iyon sobrang sipag mag-aral. Masyadong achiever sa buhay. Hindi ko alam kung anong gustong patunayan. Pero madalas namang nakangiti."

"It doesn't mean that when you are smiling, you are happy. Sometimes it's the best way of hiding all your tears inside."

Natigilan ako. Tama siya. So masaya nga ba talaga si Ali? Yung mga ngiti niya totoo kaya lahat ng iyon? Pero bakit naman siya hindi magiging masaya? Mukhang okay naman siya.

Pero bakit ba siya ang iniisip ko sa mga oras na ito?

"Eh bakit ako, hindi naman masaya hindi rin malungkot. Pero bakit ang tamad kong mag-aral?"

Natawa siya. Tinatawanan ako ngayon ng babaeng ito.

"You're just bored."

Napamaang ako. I am bored. Siguro.

"We all have that hidden spark in our lives. And when the time comes you find that, wala na. You'll encounter the weirdest but happiest troubles in your life. And those are the best parts."

Nagniningning ang mga mata niya. Akala ko okay na yung buhay ko. Akala ko okay na yung may pamilya kang nakaaangat sa buhay, may magulang na tinitingala ng karamihan at pumapasok sa school na ine-enjoy ang special treatment.

Pero ang babaeng ito. Mukhang wala sa kalingkingan ng pananaw niya sa buhay ang akala ko ay okay nang buhay ko.

"But you have to pursue that hidden spark. You have to have the guts. And those balls."

Natawa ako. Pilyo ang mga ngiti niya.

"So you're saying na hindi worth it yung pagsucceed sa studies? Yung maging first honor, maging leader at makakuha ng maraming awards?"

"I don't know. But people want power, wealth and fame. And once they get all those three, then that's the time they will realize na wala na. Tapos na. They aren't even sure kung naging masaya nga ba sila on the process. Saka nila maiisip yung mga oras na hindi nila naibigay sa mga mahal nila sa buhay. At higit sa lahat sa sarili nila. And that's just so tragic."

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon