"Hey, look who's here!"
Kahit hindi ko pa lingunin ang may-ari ng boses na iyon, alam na alam ko na kung sino siya.
Bakit ba pasulpot-sulpot siya? Kaya nga ako nagsosolo dito sa rooftop para mapag-isa at makahinga ng fresh air. Tapos biglang susulpot ang katulad niyang napakahangin na nga, polluted pa.
"Tantanan mo ako, Shawn."
"Hey, wala naman akong ginagawa sa'yong masama. Hindi ko nga alam na nandito ka."
Naramdaman ko na lang na nakalapit na siya sa akin.
Umusog ako para makalayo ng kaunti sa kanya.
"Why do you hate me, Ali?"
Tinignan ko siya ng masama.
"Naiirita ako sa'yo."
Natawa siya. Asar talaga.
Ilang linggo na rin ang lumipas. Matapos ang intrams at ang huling pag-uusap namin ni Stephen, masasabi kong naging normal na ulit ang lahat. Kahit paano hindi na kami nag-iiwasan ni Stephen. Pero hindi rin naman madalas magkausap. Lalo na ngayon at malapit na ang district meet. Busy na siya sa pagprapractice ng banda niya. Kasama ang kumag na ito. Ako din naman busy na din sa pagtre-train para sa swimming competition. Nakakainis nga dahil naisali kaagad si Cara para makapagcompete din samantalang kapag baguhan ka pa lang eh usually reserve ka lang at taga-dasal na sana mainjure yung isa sa mga pambato ninyo bago ang competition. Sabagay, magaling naman talaga siya. Pero kapag kasama ko siya sa training, kina-career ko talaga at hindi ako nagpapatalo sa kanya.
Hindi ko nga alam kung bakit naiinis na ako ngayon sa kanya. Mabait naman siya. Lagi ngang nakangiti. Pero hindi ko talaga maiwasang mainis sa kanya eh. Parang yung ganito lang. Ngayon kaharap ko si Shawn. At wala pa man siyang sinasabing ikinaiinis ko, naiinis na ako.
"Buti pala at hindi mo sinagot yung si Jordan 'no?"
Okay. Hinga Ali. Tandaan mo na ang pagtulak sa lalaking ito sa rooftop ay isang mabigat na krimen.
"Nang-iinis ka na naman."
"Hindi kita iniinis. To be honest, gusto sana kitang kamustahin kung okay ka na."
"Okay ako kanina. Pero nung dumating ka, hindi na."
Napakamot siya sa ulo.
"Ang hirap mo namang suyuin? Paano kita liligawan?"
Napatingin ako ng masama sa kanya. Anong biro na naman kaya ito?
"Tigilan mo ako, Shawn. Please lang, masakit ang ulo ko, nagugutom din ako, at pagod ako."
"Seryoso ako."
Tinignan ko ulit siya. Seryoso nga. Pero saglit pa akong naghintay. Baka biglang tumawa.
"Magkaklase pa lang tayo gusto na kita. Akala ko kasi noon hindi ka talaga nagpapaligaw."
"No."
Lumukot yung mukha niya.
"Hindi pa nga kita natatanong, no kaagad?"
"Priority ko ang pag-aaral ko. Kaya hindi pwede."
"Eh bakit si Jordan?"
"Yun na nga eh. Minsan ko na nga lang hinayaan yung sarili ko pero yung kauna-unahang taong binigyan ko ng chance, binalewala lang iyon. I learned my lessons. Kaya NO."
"Magkaiba naman kami ni Jordan. Minsan na din akong niloko, Ali. I know what you have felt. Pero hindi dun dapat matapos ang lahat. Love is a never ending story."