I'm Only A Man In A Silly Red Sheet

56 1 0
                                    

^_^   Stephen, asan ka?

>_<   ...

^_^   Stephen, asan ka???

>_<   Bakit?

^_^   Pahelp naman :)

>_<   Ayoko.

^_^   Ang sama mo. Sige na. Andito ako malapit sa inyo.

>_<   Bakit?

^_^   Anong bakit??? Basta tulungan mo na lang muna ako.

>_<   Istorbo. Nasan ka?

^_^   Ewan ko. Hanapin mo ako.

Naibagsak ko yung cellphone sa kama. Ano na naman kayang ginawa ng babaeng ito?

Lumabas ako ng bahay. Makulimlim.Paniguradong ilang sandali na lang babagsak na yung ulan. Nataranta na siguro dahil alam niyang uulan.

Pumasok uli ako sa bahay para magbaon ng payong. Mahirap na.

Paglabas ay agad kong nilakad ang kahabaan ng subdivision. Grabe. Pahamak talaga yung babaeng iyon. Ano naman kayang ginagawa niya dito?

Shit. Heto na ang ulan. Nasan ba kasi siya?

Ilang sandali lang ay unti-unti nang bumibigat ang bawat patak ng ulan. Sinimulan ko na ring lakihan ang mga hakbang ko. Paniguradong mababasa pa rin ako nito. Kung umuwi na kaya ako? Malaki naman na siya. Kaya na niya siguro ang sarili niya.

Sumilong muna ako sa ilalim ng malaking puno. Maya-maya ay naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko.

Wonderwoman calling...

"Ang hirap mong hanapin. Nasan ka ba kasi?"

"Ang tagal mo. Nabasa na ako."

Sumisigaw siya. Malamang nabibingi na sa lakas ng ulan. At halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Asan ka ngayon? Sobrang lakas na ng ulan?"

Sumigaw na rin ako. Ano na kayang nangyari sa babaeng iyon?

"Nasa loob ako ng telephone booth. Malapit dito sa playground."

Teka. Umiiyak ba siya?

"Malapit na ako. Basta wag kang aalis diyan."

Hayyy. Sa kabilang kanto pa yun.

Tumakbo na ako. Kailangan kong bilisan. Kailangan kong makarating kaagad doon. Baka takot na takot siya ngayon. Baka basang-basa siya. Baka nilalamig na siya. Baka may dumating na kung sino doon at gawan siya ng masama.

Hayyy. Bilisan mo Stepehen. Ang bagal mo.

     

      

  

     

Natigilan ako nang madatnan ko siyang nakaupo sa lapag ng telephone booth at yakap-yakap niya ang sarili niya. Ano ba kasing ginagawa niya dito at nag-iisa pa siya?

Nilapitan ko siya. Pero laking gulat ko nang bigla siyang yumakap sa akin.

Sobrang takot niya. Ramdam ko iyon sa higpit ng yakap niya at mahinang paghikbi niya.

Ilang sandali lang ay kumalas na siya ng yakap.

"Ang tagal-tagal mo. Nakakainis ka."

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon