And An Angel Came When I Was About Fall

98 3 0
                                    

TGIF.

Kung kelan ba naman patapos na ang linggong ito ay saka naman parang sinasadya pa ng tadhanang pahirapan ako.

Late ako ng fifteen minutes. Nire-recite na yung Panatang Makabayan nang dumating ako. At mukhang hindi lang ako ang late ng araw na iyon kundi pati na rin ang iba pang kapwa ko estudyante.

May nagpa-party siguro kagabi at hindi karaniwan ang bilang naming mga late ngayon. Pwede na para sa isang buong classroom. Kumukulo pa naman ang dugo ni Ma'am Estrella kapag ganito. Lagot na naman ako. Kung bakit kasi hindi mawala sa isip ko kagabi yung naging pag-uusap namin ni Ali. Napuyat tuloy ako.

Pero buti na lang at may isa akong kaklaseng late din. Yung tukmol na si Jayson.

Bwisit na bwisit ako sa mokong na iyon. Masyadong madaldal. Parang pinakain ng 'ano' ng baboy nung sanggol kaya parang armallite kung dumaldal. Buti sana kung yun lang. Eh ang kaso sa sobrang daldal eh tumatalsik pa ang laway.

"When I woke up this morning, I was very grateful and happy... I said, what a wonderful day..."

Okay. Eto na ang litanya ni Ma'am. Ang dami-dami pa naman nitong sinasabi kapag ganitong mainit ang ulo niya. Sasabunin na naman kami nito ng sermon. Iisa-isahin niya na naman ang mga maling gawain naming mga kabataan ngayon. At ikukumpara na naman sa kapanahunan niya noon. Hayy. Bagay talaga siyang maging principal.

"... Maybe all the students are ranting that Thank God It's Friday cliche this morning. Oh, that old cliche... Now we have you here students. It's Friday. And you are LATE... How many times have I told you that every second that you are late is like wasting every peso that your parents pay? Such ingrateful youth..."

Grabe. Generalized ang pagtukoy ni Ma'am sa aming mga kabataan. Baka nakakalimutan niyang kami ang pag-asa ng bayan.

Umabsent na lang sana ako. Sa sobrang haba ng speech niya ay mauuwi din sa punishment ang lahat. Ganito talaga itong school na ito. Binabayaran mo sila para turuan ka pero madalas sumosobra na sila.

Kapag may nilabag kang mga bagay na mali sa paningin nila ay paparusahan ka. Magtatapon ng basura ng lahat ng bawat classroom. Magpupulot ng mga kalat at tuyong dahon sa quadrangle. Magsusulat ng ten pages ng papel ng puro 'I am sorry, I will never be late again only today, tomorrow and forever and ever, Amen'. Marami pang iba. Basta kung anong maisip nilang ipagawa gagawin mo. Samantalang hindi yun ginagawa sa'yo ng mga magulang mo.

Kahit kailan ay hindi ako sinigawan ng mga magulang ko. Nagagalit sila sa mga kasambahay namin tuwing natyetyempuhan nilang pinagsisilbihan ko ang sarili ko. Kapag alam nilang hindi ko kayang gawin ang isang bagay ay hindi nila iyon ipipilit sa akin. Ayaw na ayaw din nilang pinagsasalitaan ako ng hindi maganda ng ibang tao. Kaya nga madalas kong sinasagot ang mga teachers ko.

Sabi kasi nila, ang tao daw maihahalintulad sa isang poopoo na pabagsak pa lang sa inidoro na walang flush. Kapag ang poopoo basa o di kaya ay malambot, ilang buhos lang lulubog na kaagad. Pero kapag matigas naman iyon, hindi kaaagad lulubog. Kakailanganin pa ng ilang buhos. Kaya tulad ng dumi, kailangan mong maging tough. 'Wag na 'wag mong hahayaang basta ka na lang lulubog at walang kachallenge-challenge na basta na lang didiretso sa septic tank kung saan makakasama mo doon ang mga tulad mong hindi man lang nagmatigas. Kaya yun naman ang ginagawa ko.

Pero madalas hindi din nila nagugustuhan kapag nababalitaan nilang may inaway na naman akong teacher. Pero ganun talaga. Hindi sila ang magdidikta kung anong dapat na gawin mo. Walang sinuman. Basta alam mong nasa tama ka o at least may konting tama, manindigan ka para sa sarili mo para sa bandang huli wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo din.

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon