It Could Be A Bird Or A Plane, But Not Superman

45 1 0
                                    

September. Intramurals.

"Go St. John!!!"

Muli'y hiyaw pa ng mga kaklase ko habang kasalukuyang nagaganap ang men's basketball ng mga seniors. Kalaban lang naman namin ang mga second section.

Feeling din talaga itong sila Shawn. Nang-aasar pa yung ngiti niya akala mo naman panalo na sila. Matalo sana sila.

"Tatlo lang yan. Kaya yan St. John!"

"Next game sila Jordan. Nood tayo, Tarts."

Si Kia. Para namang posible yung sinasabi niya. Pakakainin pa namin itong mga players namin pagkatapos ng game. Tapos may volleyball games pa niyan ang mga girls.

"Baka nakakalimutan mong secretary ka ng section natin?"

"Hayyy, kainis naman kasi. Maaga sanang matalo yung section natin sa mga games para wala na tayong iniisip."

Tignan mo itong babaeng ito.

"Gagi, tignan mo nga yung determination sa mukha ng Anthony mo. Tapos gusto mo matalo sila kaagad."

"Oo nga pala. Kasi naman last year na nga lang natin ito hindi pa natin mae-enjoy ang intrams. Lagi na lang punong-abala yung peg natin kapag ganitong may mga okasyon."

Tama nga siya. Wala na kaming ibang papel kapag ganitong mga may school occassions kundi ang mangunsumisyon sa pag-aasikaso ng mga pasaway naming mga kaklase.

"Di bale last na talaga ito. Pag nag-college ako focus na lang talaga ako sa pag-aaral ko. Hindi naman na uso ang mga extra-curriculars nun."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Kia. Apat na taon na din pala kaming biktima ng mga extra-curriculars para lang mapanatili ang mga rankings namin. Samantalang may iba diyan basta principal donor ang pamilya walang kahirap-hirap nakukuha ang gusto.

Nagulat na lang ako nang namalayan kong nagtatatalon na itong si Kia. Panalo ang section namin. Proud girlfriend lang ang drama.

Papalabas na kami ng gym nang masalubong namin ang mga kaklase ni Jordan.

"Hoy, wag kayong maingay, nandiyan si ano."

Narinig kong turan pa ng isa. Napansin ko na lang na nagawi ang tingin nilang lahat sa akin saka kaagad ding nag-iwas.

Anong problema ng mga 'yun?

Dumiretso na kami sa classroom para sa merienda.

Ilang araw na ring hindi nagtetext si Jordan. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba ngayon sa kanya. Tapos yung tinginan ng mga kaklase niya sa akin kanina. Umiiwas siya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Bahala na. Basta kung ano man iyon sana hindi naman ganun kasama.

    

     

       

   

"O, nag-iisa ka?"

Sinimangutan ko ang may-ari ng boses na iyon. Ngayon ang last day ng intrams. Buti naman at matapos ang halos isang buong linggo nakaraos din.

"Ano naman sa'yo?"

Ngumiti siya. Asar talaga.

"Ang cute mo talaga."

Nakakairita.

"Ano bang kailangan mo sa akin Shawn?"

"Nangangamusta lang. Para namang hindi tayo naging magclassmates."

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon