Love Pours When It Rains

74 1 0
                                    

Malakas ang ulan.

Nasa labas na ang maraming estudyante. Kanina pa ang uwian pero may iba pa ring hindi nakakauwi.

Asan na ba yung babaeng yun? Kanina pa ako tyumetyempo pero ang hirap singitan. Sobrang busy niya lang. Akala mo siya ang sentro ng mundo. Titigil ito pag nawala siya. Nagdidilim ang kalangitan kapag hindi siya ngumingiti.

Kung hindi siya busy sa Mirranda, uutusan naman siya ng mga teachers namin ng kung anu-ano na kinatatamaran lang nilang gawin at ipapasa sa kanya ang trabaho. Naghahanda na rin siya sa pagtakbo sa nalalapit na student council election. Wonderwoman talaga.

At syempre, mawawala ba naman ang pagsasaway niya sa mga kaklase kong pasaway. Lalo tuloy akong nabubwisit sa mga iyon. Tumatalbog na yung mga dede at nangangamoy na yung mga kili-kili pero mga isip-bata pa rin.

Kaya nga hindi ko na napigilan ang sarili ko kaninang sitahin si Louie. Ang hilig-hilig magpabida sa harap. Sinabihan kong masyado siyang mataba at nahaharangan niya yung buong blackboard. Yun, umupo ang baboy.

Tuloy, natapos ang isang buong araw na hindi ko man lang siya nakakausap. Hindi ko alam Ali. Pero parang nasisira na yata ang ulo ko.

Sa wakas ay nahagip siya ng paningin ko. Mag-isa siyang naglalakad habang hindi magkamayaw sa pagsilong sa payong para hindi mabasa ng ulan. Palabas na siya ng admin building. Nagwo-wonder woman na naman.

Hindi na ako nagdalawang-isip. Friday ngayon. Walang pasok bukas. Hindi ko na kayang patagalin pa ito ng dalawang araw o higit pa. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan masabi ko na ito sa kanya.

Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya.

Huminto ako sa tapat niya. Natigilan siya. At parang tumigil din ang mundo. Nasa kalagitnaan kami ng quadrangle. Sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.

"Pwedeng makisabay sa payong mo?"

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Pansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung para saan. At gusto ko siyang yakapin ng mga oras na iyon.

Hindi man lang siya sumagot. Ang lakas kaya ng ulan.

"Nababasa na ako o."

Sandali pa siyang nanatili sa ganung sitwasyon. Marahil nagtatalo ang isip niya. Nag-iisip kung papayag ba siyang isilong sa payong niya yung taong nagsabi sa kanyang fake siya.

Please. Nababasa na talaga ko.

Lumapit siya sa akin at kaagad niya akong isinilong sa payong niya.

"Ang tanga mo. Umuulan susugod-sugod ka."

Natawa ako sa sinabi niya. Gusto kong magdiwang ngayon. Sa wakas kinakausap na niya ako.

"Oo, ang tanga ko nga talaga. Ang tanga-tanga ko. Sobra."

Tinignan niya ako sa mukha. Hindi makapaniwalang sumang-ayon ako sa sinabi niya.

"Payakap ako. Nababasa pa rin kasi ako eh."

Nakahanap din ng palusot.

Tumingin siya sa akin ng masama.

"Sinadya mo ito."

Binalewala ko ang inis sa mukha niya.

"Pwede mo ba akong ihatid doon?"

Itinuro ko yung kabilang gate palabas ng school na katapat ng simbahan.

"Sarado yun. Wala ngang dumadaan ngayon dun di ba?"

Nagsusungit ba siya? Hindi pa pala nakakalimot.

Broken RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon