"Maganda na yung kondisyon ng katawan mo Ali. Pakakainin mo ng tubig yung mga kalaban mo."
Napangiti ako sa sinabing iyon ni Miss Lizzy, ang head coach ng girls swimming team ng school namin. Sana nga. Dahil kapag tumagilid pa ako bilang varsity ng swimming club, paniguradong manganganib yung valedictory candidacy ko.
"Siyanga pala, may bago tayong recruit."
Nakuha ang atensyon naming lahat sa sinabing iyon ni Miss Lizzy. Bakit wala man lang tryout?
"She's a junior student at nanggaling pa siya ng America. Girls, let's all welcome, Cara Hansley."
Lumabas si Cara mula sa kung saan. Grabe ang ganda niya. Pansinin na talaga siya hindi lang dahil sa mestiza siya kundi pati na rin sa natural na kulot ng kanyang buhok. Lalo pa siyang naging kapansin-pansin dahil lumabas yung hubog ng katawan niya sa swimsuit na suot niya.
Napatingin ako sa dibdib ko. Ang unfair. Bakit siya merong laman?
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Hello everyone. My name is Cara. I'm a third year student and I will be your new swimming teammate."
Ngumiti ulit siya. Pati mga labi niya at mga ngipin parang perpekto. Ibang-iba yung aura na lumalabas sa kanya kapag ngumingiti siya.
Gumanti din ako ng ngiti nang muli siyang bumaling sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakalapit na siya sa akin.
"You must be Allison?"
Tumango ako.
"Hi, Cara. Welcome sa swimming team."
"Thanks. Sana maging friends tayo."
"Oo naman. Lahat naman kami dito magkakaibigan."
Nagsilapitan din yung iba pa naming mga teammates para kausapin siya.
Ang dali niyang magustuhan ng lahat. Mabait siya kung titignan. Kahit nga si Stephen na halos buong buhay niya yata naging bugnutin dito sa school eh nagustuhan din siya. Samantalang ako, dineretso na niya kaagad ako noon na ayaw niya sa akin. Nakakatawa.
Minsan yung taong akala mo eh hindi nagma-matter sa buhay mo at wala din namang pakialam sa'yo, siya pa pala yung taong panghihinayangan mo matapos siyang maging laman ng mga pagmumuni-muni mo.
Hindi naman kasi ako si Cara. Ako lang si Allison na career sa pag-aaral, alipin ng bayan at isang anak sa labas. So anong pinaglalaban ko ngayon?
Umahon na ako mula sa swimming pool. Heto na naman yung kadramahan ko. Ayoko nang isipin lahat ng mga kapalpakan sa buhay ko. Nakakapagod na. Kailangan kong makita sila Kia.
"Bakit hindi siya pinag-try out? Ang unfair naman yata nun."
Si Joane. Kasalukuyan kaming nagmemerienda sa canteen. At naikwento ko lang naman sa kanila ang pagkakapasok ni Cara sa team.
"Wag na kayong magtaka. Balita ko isa sa principal donors yung family nila. Kilala nyo si Christian di ba? Yung dating senior na ahead sa atin ng dalawang taon? Yung isa rin sa mga rich kids na walang ginawa kundi mangtrip ng mga estudyante dito sa school. Kuya niya yun."
Napamaang kaming tatlo sa sinabi ni Kia.
"Kaya pala. Ang daya naman kung ganun."
Si Leila naman.