Chapter Five

1.5K 16 4
                                    

=Ray Pov=

Habang hinihintay ko si Asher.

Bakit ko ba to ginagawa. May gusto na ba ako sa kanya? Oo may pagka palaban siya, pero mabait din naman siya. Maganda. Ni hindi ko na nga magawa ng maayos  yung assignment ko sa kakaisip sa kanya. Final na talaga. Liligawan ko na siya.

"Ray!" tawag sakin ni Asher.

"Oh, ok. ka na?"

"Oo"

"Tayo na." pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse. Pinauwi ko na ang driver.

=Asher Pov=

"Ray, kinakabahan aku, baka mapagkamalan ka ni Nanay na manliligaw ko. Ayaw pa naman niya na magpaligaw ako."

"Ha?"

"Bakit gulat na gulat ka?"

"Ahm, wala. Wala." sagot niya.

"Andito na pala tayo. Kinakabahan tuloy ako eh."

"Andito lang ako Asher. Wag kang mag-alala. Tutulongan kitang magpaliwanag."

Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"Halika pasok ka. Pasensiya kana maliit lang bahay namin."

"Okay lang Asher. Wala sakin yun. Ang cute nga eh malinis."

"Upo ka muna Ray."

"Nay?"

"Oh anak, andyan kana pala. Oh sino yang kasama mo?"

"Ah, eh Nay. Si- si."

"Sino?"

"Si Ray po Nay. Classmate ko."

"Goodevening po." bati ni Ray kay Nanay.

"Magandang gabi din sayo. Maupo ka iho."

"Asher, magtimpla ka muna nang maiinom."

"Opo Nay. Ray maiwan ko muna ikaw."

=Ray Pov=

Naupo sa harap ko ang Nanay ni Asher.

"Iho taga saan ka?"

"Dyan lang po sa may subdivision."

"Bakit hinatid mo nag anak ko?"

"Ahm, ipapaalam  ko lang ho sana siya." nang biglang dumating si Asher.

=Asher Pov=

"Eto na ho ang inumin. Nay ipagpapaalam lang sana aku ni Ray na---." naputl yung sasabihin ko ng biglang nagsalita si Ray.

"Ah, ipagpaalam ko lang ko sana si Asher na sumama sa Boracay ho." si Ray na lang nagpatuloy sa sinasabi ko.

"May outing ho kaming tatlong magkaibigan, kaya naisip ko hong isama si Asher since kaibigan ko na din po siya."

Bigla munang tumahimik. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam sa sobrang kaba. At sa sobrang pormal ni Nanay.

Napalingon ako kay Nanay tapos kay Ray. Alam kong kinabahan si Ray. Masyado kasing pormal si Nanay.

"Nay?"

"Sa Boracay? Prang ang layo naman ata nun. Baka mapano pa kayo. May mga kasama ba kayong matatanda?"

"Ahm, kasama ko ho si Manang Loding. Isa po sa mga kasama ko sa bahay. Hindi ko ho pababayaan si Asher po." sagot ni Ray

"Iho ilang linggo palang kayong magkakilala nitong anak ko. At sa tingin ko hindi niyo pa gaanong kilala ang isat-isa. Kayo ba ay alam ng mga magulang niyo ito?"

"Oho. Nakapagpaalam na po kami."

"Kelan ba yun?"

"Sa Saturday na ho. Sunday po ang balik namin."

"Sige pumapayag na aku. Pero siguraduhin mong walang masamang mangyari sa anak ko."

"Salamat po. Makakaasa po kayo na iingatan ko anak niyo."

Nakahinga na kami pareho ni Ray ng maluwag.

"Nay, thankyou dahil pumayag kayo."

"Anak basta mag-iingat kayo."

"Ahm, tutuloy na ho aku. Salamat ho sa meryenda."

"Walang anuman iho. Ayaw mo bang dito na maghapun muna?"

"Wag na po. Salamat. Hinihintay na rin po aku sa bahay."

"Sige mag-iingat ka sa pag-uuwi."

"Nay ihahatid ko lang po si Ray sa labas."

"Sige anak. Pagbalik mo kakain na tayo."

"Ray okay ka lang ba?"

"Oo naman Asher."

"Pasensiya kana sa Nanay ko ha."

"Wala kang dapat ihingi ng pasensiya. Wala namang masamang sinabi ang Nanay mo sakin."

"Pero aamin mo kinakabahan ka kanina. Aku nga kinabahan ng sobra eh."

"Sobra Asher. Pero ganun talaga siguro ang mga magulang. First time ko ngang nanligaw eh. Ngayon ko palang nagawa sa buing buhay ko."

"Nanligaw?" tanong ko sa kanya.

"I mean, magpa-alam."

"Aaah. Ingat ka pag-uwi Ray."

"Sige Asher salamat."

a/n: short update lang po.  Goodbless readers:)

A Girl Like You (AshRald FF) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon